~Haezelle Welsh POV~
Pagkatapos ibigay ni headmistress Meneva ang schedules namin saka uniform ay agad narin kaming lumabas ng office nya at naglakad sa napakahabang corridor ng 16th floor.
Sabi niya kanina na magkasama kami ni Ciara sa iisang dorm since siya namam ang bestfriend ko. Dito daw kasi sa Enchanted Academy ay dalawang estudyante ang magsta-stay sa isang dorm. Nalaman ko din kanina na ako lang pala ang transferee samin samantalang ang iba ko pang kasamahan pati sina ate at kuya ay nakapag aral na dito.
Mukhang di parin ako makapaniwala sa nangyayari. Masyadong mahiwaga sa loob ng Academy na para akong nasa ibang mundo na puno ng mahika.
This coming Monday palang ang pasukan unlike sa University namin na malapit nang matapos ang 1st sem. Sinabi din nung headmistress kanina na maraming pagbabago ang mararanasan ko kaya kailangan kong ihanda ang sarili ko.
Nabaling ang atensyon ko kay Fellix nang bigla siyang magsalita.
"I know you're so confused and still don't yet know the rules here" sabi niya habang naglalakad sa tabi ko
"Would you mind if I'll roam you around the campus later?" Tanong niya sakin and since maraming katanungan sa utak ko ay agad nalang akong napatango. Nakita ko naman siyang ngumiti.
"Ok I'll pick you up later. Just wait me in your dorm and don't go out alone got it?" Seryosong sabi niya sakin kaya napatango nalang ulit ako.
********
Nang makarating kmi ni Ciara sa dorm namin ay agad kong nilapag ang mga dala ko sa gilid dahil sa sobrang pagod.
Inikot ko ang paningin ko sa kabuuan ng dorm. May dalawang single sized bed na kulay purple sa isang kwartong katamtaman ang laki. Habang ang kusina naman ay kompleto sa gamit at may mga pagkain na sa ref. May maliit ding dining table sa gilid. Pumunta ako sa sala at may isang mahabang sofa na purple din ang kulay at may TV din sa harap nito.
"Woahh infairness ahh. Malinis at kompleto ang dorm nato Ciabeshh!" Manghang saad ko kay Ciara na abala sa paglalagay ng mga damit niya sa isang cabinet.
"Yeahh, lahat ng dorm ay ganito ang ayos at tanging kulay lamang ang magkakaiba" saad niya habang nagliligpit parin ng gamit. Napatango nalang ako at nag umpisa naring magligpit ng gamit ko.
Nang matapos kong ligpitin ang lahat ay nagtungo na 'ko sa CR para maligo. Pagkatapos kong maligo ay pumunta nako ng sala at umupo sa sofa.
"Ohh Zelleyyy lunch is ready, kumain kana" sabi sakin ni Ciara mula sa kusina na may hawak hawak pang kutsara.
"Mauna kana. I'm not yet hungry" sagot ko saka sumandal na ulit sa sofa habang nanonood ng TV.
Ilang minuto na 'kong nanonood habang si Ciara ay abala parin sa kusina nang may marinig akong katok sa main door.
"Sino yan?" I yelled
"It's me Fellix, you ready?" He answered. Oo nga pala at mag iikot kami ngayon sa buong campus. Shit I forgot it.
Mabilis kong pinatay ang TV at nagpaalam narin kay Ciara at agad nang lumabas.
Pagkalabas ko ng pintuan ay agad na bumungad sakin ai Fellix na nakatayo sa gilid nito with arms on his pocket then he smile. So i smiled back
"Magsisimula tayo sa dorms, then Classrooms" he said so i nodded as a response.
Di namin na ikot ang buong campus sa sobrang laki nito kaya binigyan nalang ako ni Fellix ng map para di ako maligaw.
"As what i said before, alam kong naguguluhan ka parin so I'll explain you everything" huminto siya sa paglalakad saka umupo sa isang bench na agad ko namang sinundan. Umupo ako sa tabi niya but i leave a wide space between us.
"Ang Enchanted Academy ay di lamang ordinaryong paaralan" pagsisimula niya.
"Isa itong paaralan para sa mga nilalang na may kakaibang kakayahan." Dagdag pa niya kaya kumunot naman ang noo ko.
"What? Ehh ba't tayo nandito kung ganon?" I asked out of curiosity
"Well, di ba alam mo naman na dito na kami nanggaling diba? Ibig sabihin ay isa kami sa mga nilalang na tinutukoy ko" he explain.
"Pati sina kuya Stefan at ate Steff nag graduate din dito?" I asked again.
"Yep even Ciara. Sana dati kapa nandito pero di pa nagkalakas ng loob si kuya mo na sabihin sayo yan. Mas pipiliin niya pa kasing sa university ka nalang magaaral at di na dito para normal lang ang buhay mo pero.. Bago pumuntang states si dad niyo ay ibinilin nya kay Stefan na dito ka paaaralin pagtungtung mo ng 17 yrs old." Mahabang litanya sakin ni Fellix
"But i am just an ordinary girl at wala akong ibang kakayahan, so i think I'm not belong here" sabi ko sa kanya.
"No Zelle, you're not that weak. Tinuruan kana ni kuya mo ng self defense kaya mapoprotektahan mo na ang sarili mo. Yan muna ang importante sa ngayon at sasanayin kapa namin sa pakikipaglaban bilang assassin" gulat akong napatingin sa kanya.
"What!? Assassin?" Shocked na tanong ko.
"Yes, gusto ka nilang ipasok sa grupo ng mga assassin para di ka ma kick out sa school dahil pag nalaman ng The Highest Alpha na wala kang kakayahan ay di ka tatanggapin ng School" sabi niya ulet habang nakikinig lng ako.
"Sina Steff at Stefan ay mga assassin kasama din sina Bricks at Ciara. At gusto ka nilang ipasok sa grupo ng mga assassin. Dito kasi sa academy ay merong anim na grupo. Ang Assassins, Ninjas, Werewolves, Vampires, Wizards at ang Power Users. Sa assassin at ninja ka lang pwedeng maipasok dahil pwede mo pagaralan samantalang sa ibang grupo ay di ka makakapasok sapagkat wala ka namang ibang lahi kundi isa lamang ordinaryong tao" sabi niya.. So ibig sabihin may kakaiba nga sa school na 'to and it so magical.
"So ikaw, which group do you belong?" Tanong ko kay Fellix.
"I am a werewolf" kalmadong sagot niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.
"What?!" I shouted unconsciously. Kaya tumawa siya ng mahina sa reaction ko.
"So, let's talk about the main rule" bigla syang sumeryoso na para bang isang napakaimportanteng bagay ang sasabihin niya kaya nakinig ako ng mabuti.
"Actually napakaraming rules ang Enchanted Academy pero may iisang main rule na kailangang sundin at respituhin ng bawat estudyante." Seryoso parin ang mukha niyang nakatingin sakin.
"Ito ay ang rule na kapag nilabag mo ay ang tanging Highest Alpha ang magbibigay ng punishment na gusto niya kahit pa kamatayan"
"Anong rule ba yan?" Naiinip na tanong ko ehh kanina pa 'ko curious ehh.
"Binabawalan ang lahat na pumunta sa exit gate sa likod na bahagi ng School at kung sinuman ang lalabag nito ay paparusahan ng Highest Alpha" paliwanag niya.
"Ehh bakit naman bawal yun? Ano bang meron don?" Naguguluhang tanong ko.
"Wala pang kahit sino ang nakakaalam. Walang nagtangkang pumunta doon maliban sa isang estudyante noon na pinarusahan ng kamatayan" sagot niya.
"Alam kong marami na 'kong nasabi sayo ngayon at naguguluhan kana kaya yan nalang muna at magpahinga kana" dagdag pa niya sabay tayo.
Medyo madilim narin kaya inihatid na 'ko ni Fellix sa dorm at umalis na siya.
Wala si Ciara sa dorm pero may nakahanda nang pagkain sa lamesa. Di pala ako nag lunch kanina kaya nakaramdam kaagad ako ng gutom.
Tapos na akong kumain pero wla parin siya kaya nagtungo nalang ako sa kwarto namin at humiga sa kama ko.
Unti unti paring nag sisink in sa utak ko lahat ng mga sinabi sakin kanina ni Fellix .
Ang about sa six groups at mga kakaibang nilalang dito sa academy . I can't still believe that he is a werewolf, The fvck!? Seriously?..
And 'Shittt.. what's with that damnn rules'?
YOU ARE READING
Enchanted Academy
Misteri / ThrillerWhat if ang inakala mong sabi sabi ay makatotohanan? Eto yung kakaibang paaralan para sa mga nilalang na may kakayahan o kapangyarihan Paaralang puno ng mahika at kababalaghan "Welcome to the Enchanted Academy"