~Haezelle Welsh POV~
Maaga akong nagising dahil naeexcite talaga 'kong pumasok. Ewan ko basta curious ako sa paraan ng pagtuturo nila dito. Dahil rinig ko dati kina kuya na puro related lamang sa pakikipaglaban at paggamit ng mga kakayahan at kapangyarihan ang mga itinuturo nila dito.
Ito di daw ang dahilan kung bakit kinakailangan pa ng mga estudyante rito na makapag-aral sa mundo ng mga tao sapagkat wala itinuturo ang paaralang ito parti sa mga kaalaman kundi puro lamang sa pakikipaglaban.
Kahapon ay kinausap ako ni Headmistress Meneva na di raw kailangan ang mga papeles dito o kahit anong kasulatan dahil di naman daw alam ng mga ordinaryong tao o kahit ng mga nasa pamahalaan na nageexist ang paaralang ito . Tanging ang mga Supernatural na tao lamang na nakakapasok dito ang may alam.
Naglalakad na 'ko sa mahabang corridor ng 2nd floor habang tinitingnan sa napakalaking mapa na ibinigay sakin ni Fellix ang kwarto ko. Kahit magkaklase kami ni Ciara sa University dati ay di kami magkaklase nagyon dito.
Talagang kakaiba ang mga patakaran ng paaralang ito. Nasa 1st batch palang ako kasama ang ilan pang trasferees o ang bagong pasok lamang sa Academya.
Wala akong ibang kilala rito dahil nasa 2nd batch na sina Ciara, Clark, Afia at ang tatlo pa naming kasama. Sina kuya, ate, Bricks at Fellix naman ay nasa 4th batch na o graduating na.
Ang bawat batch ay magkakaiba ang building. At sa isang building ay napakaraming rooms na nilalaman ng ibat ibang subjects. Actually, wala ditong sectioning binibigyan lamang kayo ng schedule for 1 week. Nakakalito dahil meron itong 25 subjects kaya 5 different subjects lng sa isang araw ang ituturo and another 5 different subjects for the next day until matatapos ang 25 subjects for 1 week. Yan ang sa batch 1 ewan ko sa ibang batch hytsss naninibago talaga 'ko sa weird na lugar na 'to..
"Ahhh !!!" Sa sobrang tutok ko sa mapa ay di ko namalayang nasa harap na pala 'ko ng pader .. Napahawak ako sa noo kong bumagga. shittt ang sakit nun ahhh..
Nagpalinga linga muna 'ko at ng napagtantong walang nakakita sa katangahan ko ay agad na 'kong nagpatuloy.
Inabot ako ng mahigit isang oras bago makarating sa first class ko. Mabuti nalang at maaga akong umalis sa dorm kaya di parin ako nalate.
Isang maliit na brown backpack lang ang dala ko at infairness, ang ganda ng uniform namin.
White longsleeve na may black blazer, may pink ribbon na necktie at medyo maiksi yung black na palda na bumagay sa medyas naming abot tuhod. Yung pang Korean style !! .. hhang gunduuhhh!
Yung panlalaki naman ay While longsleeve din at pink necktie.
Pare-pareho lang ang style ng uniform ng lahat na batch pero magkakaiba ang kulay ng ribbons at neckties. Pink yung saamin sa 1st batch, yellow naman sa 2nd bach, blue sa 3rd batch at red naman sa 4th batch.
Tinignan ko ang gamit sa loob ng bag ko. Hinahanap ko ang Nametag ko , pero..
Wala!!. Nawawala !
Wala sa sariling hinalungkat ko ang lahat ng gamit sa bag ko. Inis na inis n'ko kakahanap. Saan naba yun.
"Miss! Are you listening?!" Napalundag ako sa gulat nang sigawan ako ng propesor namin. Isang matandang babae na mukhang mambabarang haha chosss.
"P-po? Y-yes ma'am I'm listening" kabadong sagot ko habang nanginginig parin sa sobrang gulat.
Rinig ko naman ang mahinang tawanan ng mga classmates ko. But I don't care. Mamatay sila kakatawa.
Natapos ang first subject ko na wala manlang akong naintindihan. Ganito naba ako ka bobo?! Arghh pero teka..
Malamang isang wizard ang propesor namin kanina sa sunject na spells .. ahh kaya pala lutang ang utak ko ehh wala naman pla akong kaalam alam sa spells na yan pero pwede ko kayang pag aralan yan? Pwede kaya akong matuto at makagamit ng spells?
YOU ARE READING
Enchanted Academy
Mystery / ThrillerWhat if ang inakala mong sabi sabi ay makatotohanan? Eto yung kakaibang paaralan para sa mga nilalang na may kakayahan o kapangyarihan Paaralang puno ng mahika at kababalaghan "Welcome to the Enchanted Academy"