Chapter 9: Belong

54 17 0
                                    

~Haezelle Welsh POV~

Nandito na kami ngayon sa venue kung saan ako mag-iinsayo. Nandito na lahat ng mga kasamahan namin at si kuya nalang ang hinihintay na medyo matatagalan daw dahil may meeting pa ang mga Alpha ngayon.

Sa pagkakaalam ko, dito kami ngayon sa isang playground na medyo malayo sa mga buildings dahil walang masyadong pumupunta rito lalo na pag gabi kaya makakapag-insayo ako ng mabuti at walang ibang makakaalam.

Medyo madilim dito pero sapat na ang liwanag ng buwan para makita ang paligid.

"Nandito na siya" sabi ni Bricks at agad silang nagsitayuan at nag bow kay kuya.  Luhh anyare? Kailangan ba talagang gawin yan?.

"Yan ang sign ng pagbibigay galang sa mga Alpha" bulong ni Clark sa tabi ko kaya nag bow narin ako kay kuya.

Sa totoo lang naninibago talaga ako sa pakikitungo nila sa isat isa ngayon. Di ganito ka formal sa mundo ng mga tao.

Dumiretso naman si kuya sa harapan naming lahat.

"Alam na ng lahat kung bakit tayo nandito hindi ba?" Panimula nito at napatango naman kaming lahat.

"Ngayong gabi ang simula ng pagsasanay ng aming kapatid na si Haezelle. We have to do this every night from now on until she become a great fighter and to be called Assassin officially" dagdag pa niya habang tahimik lang kaming lahat at nakikinig.

"Pero bago ang lahat, bibigyan ko muna kayo ng mga tungkulin na dapat niyong gawin. Steff, Bricks at Fellix" tawag niya kina ate, Bricks at Fellix bago sinenyasang pumunta sa harap.

"Since kasama ko kayo sa 4th batch, alam kong bihasa narin kayo kagaya ko kaya kayong tatlo ang magiging katuwang ko sa naka assign na tungkulin sa akin ng Highest Alpha. In short, kayo ang right hand ko bilang Assassin Alpha" paliwanag niya.

"Got it Alpha Stefan" sagot nilang tatlo.

"Clark and Afia" napaayos naman ng tayo ang dalawa ng tinawag na sila ni kuya.

"Kayo ang magtulungan sa monitoring. Kailangang alam niyo ang mga latest events or issue inside the campus, kailangan updated tayo. Clark, as a mind reader ay malaki ang maitutulong niyan sa tungkulin mo. Mas madali mong malaman ang mga taong may masasamang balak sa paligid" ahh so kaya pala parang alam ng Clark na yan yung iniisip ko.. Mind reader pala siya. Shit nakaka disrespect naman yan sa privacy.

"Kayo naman Laurence, Shey at Jerst" tawag niya dun sa tatlong ngayon ko lang alam ang pangalan.

"Gaya ng dati dahil kayo ay mga bampira, Kailangan nyo lang hintayin ang report ni Clark at Afia at kayo ang magmamanman sa taong kahinahinala dahil ayokong maulit ang nagyaring gulo dati" paliwanag ni kuya..

Teka . Anong ibig sabihin ni kuya sa 'ayokong maulit ang nangyaring gulo dati' ? May masama kayang nangyari before? . Yan ang dapat kong alamin .

"Ciara, bilang matalik na kaibigan ng kapatid ko ay dapat mo siyang bantayan habang di pa niya kayang ipagtanggol ang sarili niya" napa bow naman si Ciara as a sign of agreement.

"Haezelle" naistatwa naman ako ng tawagin na ako ni kuya. Meron din ba akong tungkulin?

"Kuya-este Alpha Stefan" sagot ko at bahagyang yumuko. Shit di ako sanay na ganito ka formal ang pakikitungo ko kay kuya.

"Newbie ka palang so don't dare to do something that may drag you down. All you need to do is to obey the rules dahil kahit isa akong Alpha,. " Bumuntong hininga muna siya.

"Wala parin akong magagawa kung mapaparusahan ka. It's also a rule that every student should be treated equally kaya magpakabait ka" paliwanag niya sakin.

Enchanted AcademyWhere stories live. Discover now