Chapter 6: Nametag

75 22 4
                                    

~Haezelle Welsh POV~

Kanina pa ako nakaupo dito sa bench kaharap ng fountain sa harap ng building namin.

Wala kasi yung prof namin sa Potion Making kaya napagpasyahan ko munang magpahangin dito sa labas.

Nakakarelax ang ihip ng hangin. Napakafresh nito unlike sa mundo ng mga tao na polluted na.

Yakap-yakap ko ang bag ko habang pinapanuod ang mga batchmate ko. Merong nakaupo sa gilid ng fountain, meron din don sa ibang bench habang yung iba ay nagkukwentuhan lang.

Para lamang silang mga inosente at normal na estudyante pero nakakubli sa kaloob looban nila ang kakaibang kakayahan. Hayy kahit pare-pareho kaming new students ay di ko parin maihahalintulad ang sarili ko sa kanila. May mga kakayahan sila habang ako wala, kakaiba ako sa kanila na isa lamang ordinaryong nilalang.

"Hi" nabaling ang tingin ko sa babaeng nagsalita sa gilid ng bench na inuupuan ko. Base sa ribbon niya ay magkabatch din kami. Malawak ang ngiti nito habang nakatingin sa akin.

Di ako nakasagot habang tinitigan lang siya. Di kasi ako sanay na merong kumakausap sakin.

Tumikhim ito.

"U-uhhm . Do you mind if I sit beside you?" Panghihingi niya ng permiso.

"No it's fine" sa wakas ay nakasalita narin ako. Nginitian ko siya bago binigyan ng malaking space sa gilid ko. But duhh!! Ofcourse it's a fake Smile !.

"Ako nga pala si Casey" pagpapakilala niya

"I'm Haezelle" sagot ko.

Agad naman siyang umupo at isinandal ang likod niya sa bench.

Tahimik lang kaming dalawa habang pinapanuod ang maaliwalas na langit.

"Alam mo, never kong inakalang mapadpad dito" pambasag niya sa katahimikan. Nakita ko rin ang mapakla niyang pagngiti.

Kitang kita ko ang lungkot at pait sa kanyang mga mata na tinatago lamang niya sa pekeng ngiti.

Di man niya sabihin ay halatang problemado siya. Nacurious ako kung bakit ganito siya at nakikipag usap sakin pero di nako nagtanong. Di ako mahilig makisali sa buhay ng isang tao lalo na kung personal cause i respect their privacy.

"Ikaw?" Bigla niyang tanong sakin habang ang tingin ay nasa kalawakan ng langit parin.
"Pano ka bapadpad rito?"

Natigilan ako sa tanong niya. Pano nga ba ako napadpad? Well, actually I'm not belong here. Pero ayokong sabihin yun sa kanya. Sa misteyosong lugar nato ay di dapat ako basta bastang nagtitiwala sa kahit sino kundi sa sarili ko lamang.

"Uh-hhmm, dinala ako rito ng mga kapatid ko. Nasa 4th batch na sila"yun nalang paliwanag ko. Di ko naman kailangang sabihin sa kanya every detail lalo na't she's a totally stranger.

"Ahh so anong nilalang ka?" Tanong niya. Sa pagkakataong to ay tumungin na siya sakin.

Teka anong nilalang? Malamang tao! Alangan namang tikbalang ako !! Augrhhh .

Maybe she meant which group do I belong .

"Assassin" tipid na sagot ko. Tumango tango lang siya.
"Ikaw?" Tanong ko naman pabalik.

Bumuntong hininga muna siya at bahagyang yumuko habang nilalaro ng mga kamay niya ang ballpen na hawak.

"Isa akong Bampira" malumanay na sagot niya.
"D-di ko inaasahan lahat" nanginginig na yung boses niya. Nangigilig narin yung luha sa matamlay niya mata.

Tahimik lang ako habang nakikinig sa kanya.

"Lumaki akong si lola lang ang kasama. Malayo sa syudad ang bahay namin sa kabundukan. Kontento naman ako don kahit papano. P-pero isang gabi nagising nalang ako at kabilugan ng bwan, sabik na sabik ako sa dugo" pinunasan niya ang mga luhang dumadausdos sa namumula niyang pisngi.

Enchanted AcademyWhere stories live. Discover now