~Haezelle Welsh POV~
Medyo tanghali na nang magising ako. Maliwanag na sa buong silid na nagmumula sa dalawang bintana sa kwarto namin.
Wala narin si Ciara sa kama niya. I stood up and took my phone above the pillow to watch the time. It's 4:20 P.M !! WattaFck!? Di naman sira phone ko ahh.. ba't iba ang orasan dito?! Agad akong lumapit sa may bintana at pinagmasdan ang paligid.
Nasa 3rd floor itong dorm namin at tanaw mula sa bintana na sinisilipan ko ang isa sa mga malalaking playground sa buong campus.Maliwanag ang buong paligid at halatang umaga pa lamang pero bakit umiba ang orasan sa phone ko!? Ughhh! Wala ring signal dto kahit saang sulok.
"Ohh gising kana pala" napalundag ako sa kaba nang biglang nagsalita si Ciara sa likuran ko.
"Baliw kaba? Papatayin mo ba 'ko sa gulat ha?" Inis na sinigawan ko siya habang hawak hawak ang dibdib ko pero tinawanan lang ako ng bruha . Arghhh!!
"Anyway, breakfast is ready" nakangiting wika niya.
"Susunod ako" sagot ko saka tumalikod na siya at lumabas ng kwarto.
Inayos ko muna ang higaan ko bago sumunod sa kusina. Naabutan ko si Ciara na abala na sa pagkain. Walang imik na umupo nalang ako sa isang upuang kaharap niya at kumuha na ng pagkain. Natigilan ako ng may maalala.
"Uhmm Ciabeshh?! May tanong ako" pambasag ko sa katahimikan.
"Ano yun?" Kunot noong tanong niya.
"Nasa Earth parin ba tayo?" Seryosong tanong ko sa kanya na ikinahakhak niya ng sobra. May nakakatawa ba sa tanong ko?.
"Whahaha Zelleyyy are you out of your empty mind? " Sagot niya sakin habang wala paring tigil kakatawa.
"Ciara listen" kalmado at seryosong saad ko.
Kinuwento ko sa kanya ang kawalan ng signal sa lugar na'to pati narin ang pag iba ng takbo ng oras.
"Alam mo Zelle, kaya nga Enchanted Academy diba? Dahil kakaiba ang paaralang ito but don't worry dahil nasa Earth parin tayo" natatawang paliwanag niya.
"Nuong pumasok tayo rito ay November na pero sa paaralang ito ay January palang at sa isang taong pag aaral natin dito ay isang linggo lang sa mundo ng mga tao. Ibig sabihin na mas mabilis ng ilang beses ang takbo ng oras dito kesa sa mundo ng mga tao kaya matapos nating mag aral dito ay magpapatuloy parin tayo sa pagaaral natin sa University"
"And look" tinuro niya ang isang wall clock na nakasabit sa pader sa itaas na bahagi ng pintuan ng kusina.
"It's only 9:30 A.M at wala nang silbi yang phone mo dahil di mo yan magagamit dito. This school is quite different and independent, a supernatural" paliwanag niya.
Napatango tango nalang ako. Sinabi niya rin na maligo na raw ako dahil may ceremony mamaya 1:00 P.M para sa pagbubukas ng pasukan sa lunes.
********
Nakaupo ako ngayun sa isang bakanteng upuan sa loob ng gymnasium na gaganapan raw ng ceremonya.
Naka denim jeans ang suot ko saka naka black blouse na sakto lang sa katawan ko.
Binalingan ko ng tingin si Ciara sa tabi ko na tahimik lang at tutok na tutok ang tingin sa stage.
"How's my lil' sister?" Nakangiting sabi ni ate Steff sabay salubong sakin ng mahigpit na yakap. Naka simpleng jogging pants at oversized shirt ang suot niya. Well that's her 'boyish' .
"I'm good" sagot ko at binigyan sya ng tipid na ngiti.
Umupo na siya sa vacant seat sa gilid ko at nagsiupuan narin ang mga kasama niya na if I'm not mistaken, yung tatlo naming kasamang pumasok rito. Bat ba palagi silang magkasama? Tinali ba silang tatlo ng mga magulang nila? Whahah what the hell i care!? Di ko nga parin alam ang pangalan nila ehh. I'm really not good in socializing or I must say I hate it.
YOU ARE READING
Enchanted Academy
Детектив / ТриллерWhat if ang inakala mong sabi sabi ay makatotohanan? Eto yung kakaibang paaralan para sa mga nilalang na may kakayahan o kapangyarihan Paaralang puno ng mahika at kababalaghan "Welcome to the Enchanted Academy"