2

38K 708 18
                                    


ISANG linggo ang lumipas makapanganak si Bea ay bumalik sa opisina si Franco dahil sa importanteng board meeting. Naroon din si Jerome na ang kasiyahan sa mukha ay hindi maikakaila.


"Kumusta ang bagong ama?" nakangisi nitong bungad kay Franco na kung sinsero ang pagbati ay walang nakakaalam.

Nagkibit ng mga balikat si Franco at ibinaba ang attaché case sa ibabaw ng conference table.

"Let's cut the hypocrisy, Jerome, by exchanging pleasantries we really don't mean," patuyang wika ni Franco. 


"And I hope you won't be too disappointed when your sword didn't take off my head in this meeting."


Humalakhak si Jerome. "Sa palagay mo ba'y maibabalik sa iyo ang management, Franco? Why, I have more resources than you do."

"Hindi resources ang pinag-uusapan dito. Capability and brains!"

Tumaas ang mga kilay ni Jerome. "Meaning, wala ako n'on?"

"From the mouth of the babe," kaswal na sagot ni Franco na sinamahan ng patuyang ngiti.Tumiim ang mga bagang ni Jerome sa deretsahang insulto. But as usual, hindi si Jerome ang nagpapadala sa init ng ulo. At gustong hangaan ni Franco ang lalaki kung paano nito nagagawa ang ganoong self-control. Kung siya iyon, kanina pa umigkas ang kamao niya. But then, ibang paraan sumalakay si Jerome, pailalim at higit na mapanganib. Tulad na lamang ng ginawa nito sa kanila ni Bea. Ganoon din ang lihim na pagbili sa shares ng ibang miyembro ng board.

Hindi nagtagal ay dumating si Erlinda bilang miyembro ng board. Ilang sandali pa ang lumipas at naroon na ang lahat ng directors. Matapos ang pagbasa ng minutes ay tumayo si Jerome upang ipahayag ang mga plano at panukala nito tungkol sa FN Canning. Mahigpit nitong ini-emphasize na malaki ang malasakit nito sa kompanya dahil ang ama nito, si Don Arsenio Gascon, ang nagtayo dito at kung ano ang magagawa ng extra-capital na ilalagay nito sa kompanya mula sa kanya.

Pagkatapos ng mahabang litanya ni Jerome ay naupo ito at tinapunan ng ngiti si Franco bilang pag-asam ng tagumpay. Tumikhim si Franco na tumayo mula sa kinauupuan upang siya naman ang magsalita.

"Tama ang sinabi ni Jerome, si Don Arsenio Gascon ang incorporator ng pabrika. But this company is mine. Legal na ipinamana ni Don Arsenio. At tulad ng alam ninyong lahat ay pabagsak na ang kompanya nang hawakan ko. You can all testify kung paano ko inahon mula sa pagkalugi ang kompanya hanggang sa kinalalagyan nito ngayon." inikot ni Franco ang mga mata sa mga naroong directors.

"Both of us owned now 35% controlling interest sa FN Canning. Ang sa kanya ay ginawa niya sa tusong pamamaraan bagaman legal hindi dahil may interes siya sa kompanya kundi alam nating lahat na personal vendetta ang pangunahing dahilan ni Mr. Jerome Gascon," derekta at walang atubiling pahayag ni Franco nang hindi kumukurap.

Malakas na tumikhim si Jerome na biglang nakadama ng pagkailang. Nagpatuloy si Franco.

"Now, on to the confidence vote na siyang dahilan kaya narito tayong lahat ngayon. This is my company, for years I ran it, I made it what it is now. I have managed to diversify and increased our holdings at isa na tayo ngayon sa matatawag na malakas, malaki, at stabilisadong kompanya." inikot ni Franco ang mga mata sa naroong mga directors. Isang buntong-hininga ang pinakawalan. 


"I am only sorry na nang dahil sa personal na problema ng pamilya ay nadamay pati ang kompanya. Now, you have to decide kung sino sa amin ni Mr. Gascon ang nais ninyong magpatuloy na Chairman at Presidente. At isa lang ang ang masasabi ko." tinitigan niya si Jerome. 

"I never stabbed anybody in the back kahit na ano pa mang dahilan."

Ilang sandaling katahimikan ang namagitan. Ang tanging maririnig ay ang kaluskos ng mga papel sa harap ng bawat miyembro ng board.

"Now, go ahead and vote," anyaya ni Franco na bumalik sa upuan. 

"All you have to do is to choose between two low-down dirty dealing worms to head this company," amused nitong idinagdag na bahagyang ikinatawa ng ilan.

Kinuha ang boto at ipinasa sa corporate lawyer. Binilang ito at nakangiting ikiniling ang ulo.

"Congratulations, Franco Navarro. You won by three votes." isang matalim na paghinga ang binitiwan ni Jerome. Hindi agad nakakilos as if trying to compose himself. Makalipas ang ilang segundo ay marahang tumayo at iniabot ang kamay kay Franco.

"You won again," pormal nitong sinabi, gritting his teeth. Tinanggap ni Franco ang kamay na inilahad nito.

"I always do," kaswal niyang sagot. "Wala kasi akong masamang motibo sa kapwa ko." Ang huling sinabi ay para lang sa pandinig ni Jerome.

"Hindi pa tapos ang laban natin, Franco Navarro."

"Lagi naman akong handa, Jerome..." ibinaling na ni Franco ang sarili sa ibang mga kasamahang gustong kamayan siya.

Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na ng conference room ang lahat. Sa reception ay naroon si Monica at naghihintay kay Erlinda.

"Hello, Franco," nakangiti nitong bati bagaman mailap ang mga mata.

Tumikhim ang lalaki. "Ano ang ginagawa mo rito, Monica?" Malamig at pormal ang tinig niya.

"Nagpapasama si Monica na mag-shopping, Franco," sagot ni Erlinda mula sa likuran. 

"Alam mo namang hindi niya kabisado dito sa Maynila at uuwi na siya sa isang linggo sa Sto. Cristo."

Bago pa nakasagot si Franco ay nagsalita si Jerome mula sa likuran. 


"Makikilala ko ba ang magandang dalagang bisita ninyo, Tita Erlinda?" Buong paghangang hinagod ng tingin ng binata ang kabuuan ni Monica na nahihiyang ngumiti.

"Of course. Nicky, si Jerome, my stepson. Jerome, siya si Monica, kababata at kaibigan ni Bea."

Inilahad ni Jerome ang kamay na tinanggap naman ng dalaga. Ilang sandaling hindi binitiwan iyon ng binata na ang mga mata ay matiim na nakatitig sa dalaga.

Kristine Series 8 - Wild Rose (COMPLETED) (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon