PAGKATAPOS nilang kumain ay sinamahan siya ni Erlinda sa isa sa mga silid sa itaas.
"I hope you will like this room, Kristine. Nakatanaw ito sa dagat."
"Thank you, Mrs. Gascon. Napakaganda ng silid na ito."
Antique ang four-poster bed at may kurtinang nakapaligid sa itaas na tila para sa isang prinsesa sa isang Arabian movie. Malalaking kahoy na narra ang dingding in natural varnish. Ang malalaking aparador at tokador ay kulay-itim at may mga ukit ang mga kahoy. French windows ang mga bintana.
Ang buong villa ay yari sa pulang bricks at adobe. Ang tanging kahoy ay ang mga balustre sa malaking hagdan at ang panelling ng mga silid sa itaas. Malaki at marangya ang villa para sa ganitong lugar. She wouldn't have been surprised kung nasa ibang bansa sila tulad ng Scotland kung saan common ang mga ganitong uri ng bahay sa isang ilang na lugar. Pero nasa Pilipinas siya at sa isang remote place somewhere in the province of Quezon. One of its islands.Humakbang siya patungo sa bintana at binuksan ito. Humampas sa mukha niya ang hanging-dagat. She inhaled it softly. Nagtatakang nilingon niya ang matandang babae na nakatayo lang sa gitna ng silid at nakamasid sa kanya.
"Nakapaligid sa villa ang dagat pero bakit nasa ibaba yata ang dagat? At ano po iyong tila lagaslas ng tubig na naririnig ko?"
Bahagyang ngumiti ang matanda.
"Ito ang pinakamataas na bahagi ng isla. Thirty meters from this house, diyan sa natatanaw mo ay isang cliff na may hindi kalakihang waterfalls na bumabagsak sa isang lawa patungong dagat."
"Oh, my!" bulalas niya.
"Nang sabihin sa akin ni Jenny na maganda ang lugar na ito ay hindi ako gaanong naniwala."
"My grandchildren loved this place, Kristine." may pagmamalaki sa tinig ng matandang babae.
"Lalo na si Alvaro. Lance and Jenny can live in another place at okay lang. Pero hindi ang panganay kong apo. Para kay Alvaro, this is his home. There's no place on earth that would lure him to leave this place. 'Pag inalis mo sa islang ito si Alvaro ay para mong inalis ang isda sa tubig."
"I can't blame him," she whispered softly. Ibinalik ang tingin sa labas ng French window.
"Maaari ko bang makita ang cliff mamayang hapon?" Naroon ang wistfulness sa tinig niya.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay ngumiti nang totoo si Erlinda.
"Kung gusto mo, hija."
Lumingon ang dalaga.
"Thank you, Mrs. Gascon. Salamat din sa pagtanggap ninyo sa akin dito."
"You're welcome, Kristine. At lola na lang ang itawag mo sa akin. Iyon ang tawag ng halos lahat ng mga tagarito sa akin. Masyadong pormal ang Mrs. Gascon."
BINABASA MO ANG
Kristine Series 8 - Wild Rose (COMPLETED) (UNEDITED)
RomanceA virgin widow. At gusto niyang takasan ang bayaw na naghahangad sa kanya. Mula Houston, Texas, Kristine was swept into a savage paradise sa isla ng mga Navarro sa Quezon Province. Si Alvaro, ang panganay na anak ni Franco Navarro, was a handsome de...