3

36.1K 784 77
                                    


ANG kasalukuyan.


"Matanda ako, Alvaro." si Franco na hinarap ang anak na nakaupo sa lounge at nakataas ang mga binti sa center table. 


"Hindi magtatagal at ikaw ang hahalili sa puwesto ko rito sa kompanya. Dapat ngayon pa lang ay simulan mo nang hasain ang sarili mo sa pamamalakad ng FN International!"

"Iyan ba ang dahilan kung bakit ipinatawag mo ako rito?"

"Por dios, Alvaro, wala akong makitang interest mula sa iyo sa kompanyang ito!" Ipinukpok nang bahagya ni Franco ang kamao sa ibabaw ng executive desk nito.

"Dalawang lalaki ang anak mo," hindi natigatig na sagot ng binata.

"Ikaw ang unang inaasahan kong magkakaroon ng malasakit sa kompanya. I groomed you for this job, Alvaro. I trained you to run it, sent you to the best schools to teach what you have to know to keep the company going. Higit kanino man ay alam mo iyan," puno ng emosyong pahayag ni Franco na sa gulang na singkuwenta y dos ay makisig at matikas pa rin. Not a single unwanted fats sa katawan. At kung pagtatabi-tabihin ito at ang mga anak ay para lamang magkakapatid.

Matabang na ngumiti ang binata. Totoo ang sinasabi ng ama. Bagaman pareho sila ni Lawrence o Lance na nagsipagtapos ng pag-aaral sa ibang bansa ay sa kanya umaasa ang ama bilang kahalili nito sa pamamahala ng kompanya.

"Besides, hindi ba at nagtatrabaho naman ang kapatid mo sa branch natin sa Texas?" patuloy ni Franco bagaman hindi gaanong kumbinsido sa sinabi. Why, his youngest son is jet-setting. Cruising the carribean kasama ng mga milyonaryo sa ibang bansa. Hindi nga nagkukulang sa pagre-report sa kanya si Lance pero hindi panatag ang loob niya sa bunsong lalaki. Masyadong happy-go-lucky si Lance bukod sa pagiging playboy.

Oh, well, si Alvaro man ay matatawag na womanizer pero hindi tulad ni Lance, si Alvaro ay mapalad nang tumagal ng isang linggo ang girlfriend. And he'll give anything tumigil lang ang mga anak na lalaki sa ganitong gawi. Though he couldn't blame his boys. Alvaro and Lance are devastatingly handsome. And girls have been chasing the boys since they went out of their crib.

"Hindi pa panahon para gawin ko ang sinasabi ninyo, Papa," aniya makalipas ang ilang sandali. 

"You're still very young and strong and at the prime of your life. Isa pa, I don't really want to clash with Nick." ang tinutukoy nito ay ang panganay na anak ni Jerome na siyang humalili sa ama bilang bise-presidente ng production. Bata lamang ito sa kanya nang isang taon. Twenty-four while Lance is twenty-three.

"Ayokong ulitin sa aming dalawa ang buhay ninyo ng Tito Jerome. Kung ito lang ay walang problema. I know how to deal with him as you have done. Pero hindi ang Tita Monica. I really hate to hurt her, you know. She has always been our friend at para na ring kapamilya. At gusto kong isiping mas loyal siya sa atin kaysa sa asawa niya."

Tumalikod si Franco at itinuon ang paningin sa salaming bintana na ang makikita ay ang canning factory sa ibaba. Pinagmamasdan nito ang pagtakbo ng mga linya ng paggawa ng lata.

Ang body lines na siyang gumagawa ng katawan at ang mga end lines na siyang humuhulma sa top and bottom ng mga lata. Subalit wala sa mga ito ang isip niya kundi nasa sinabi ng anak. Sandaling pumasok sa isip ang pangyayari maraming taon na ang nakalipas.

Hindi sinasadya ang pagkikita nina Monica at Jerome sa kompanya isang linggo makapanganak si Bea. Since then ay hindi na tumigil si Jerome hangga't hindi nabihag ang puso ng dalaga. Gusto niyang paniwalaang talagang mahal ni Jerome si Monica pero nakabaon na sa isip niya na walang mahal si Jerome kundi ang sarili. And he didn't want Monica to get hurt. She was young. Kasing-edad lang ni Bea noon.

Kristine Series 8 - Wild Rose (COMPLETED) (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon