BAHAGYANG tinanguan ni Alvaro ang lalaki sa counter at pumanhik nang tuloy-tuloy sa okupadong silid sa itaas. Hindi iyon ang lalaking dinatnan niya kanina bago siya nagtungo sa bar.
He hated the place. Marumi at luma na at hindi maganda ang mga facilidad. Pero ano ba ang inaasahan niya sa kaisa-isang hotel sa bayan ng Sto. Cristo? Hindi niya madesisyunan kung maigi pang matulog na lang sa airconditioned pickup kaysa sa hotel na ito. Pero gusto niyang ilatag ang katawan at kung sa pickup siya matutulog ay tinalo pa niya ang nagbiyahe sa gabing iyon.
He moved swiftly and quietly, na unusual para sa isang malaking taong tulad niya. Sinusian niya ang pinto ng silid. Bumukas iyon. A faint scent met him. Tila pamilyar pero hindi niya agad maisip. Kinakapa niya ang ilaw nang may maramdaman siyang kakaiba. May tumaas at bago pa niya naiiwas ang sarili ay tumama sa mismong balikat niyang may sugat ang isang silyang kahoy.
Napaungol ang binata sa matinding sakit. Nawalan ng panimbang bagaman sinikap na huwag bumagsak sa sahig. Inihanda ang sarili sa anumang panganib nang bumukas ang ilaw.
"Ikaw!" parehong usal ng dalawa sa pagkamangha.
"And damn you!" hiyaw ni Alvaro na lumakad patungo sa kama at ibinagsak ang sarili habang sapo ng kanang kamay ang kaliwang balikat.
"Ano ang ginagawa mo rito?" tanong ng babae na ibinaba ang hawak na silya. Nakapamaywang na nilapitan ang binata na nakapikit at nagsasalubong ang mga kilay.
"I should be the one asking that question," pagalit na sagot ni Alvaro na nagmulat ng mga mata.
"Inabangan mo ba ako rito sa silid ko para patayin?" sarkastikong dugtong nito.
"Silid mo?"
"Silid ko!"
Naningkit ang mga mata ng babae. "Luma na iyang taktikang ginagamit mo. Mister, kung sino ka man. Kung hindi mo mamasamain ay lumabas ka na bago ko tawagin ang manager sa hotel na ito."
Hindi agad nagsalita si Alvaro. Sinikap nitong ipunin lahat sa dibdib ang kontrol sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay nito. At sa pilit at kalmanteng tinig ay nagsalita: "Woman, this is my room. Itanong mo sa ibaba kung paanong nangyari at ibinigay sa iyo ang silid na ito." Matinding iritasyon ang nararamdaman ni Alvaro. Idagdag pa ang sugat na lalo pang nasaktan sa hampas ng silya. At heto ang babae at nakikipagtalo ng silid niya ito.
"Bakit hindi ikaw ang bumaba at ikaw ang magtanong?!" pagalit ding sagot ng babae.
"Ano ang malay ko kung sadya mo akong sinundan dito..."
"Shit!" usal ni Alvaro. Masakit at umaantak ang sugat nito at wala itong balak makipag-usap. Nararamdaman na niyang namamanhid ang balikat.
"You don't really have to act as if you're in pain," patuloy ng babae na bahagyang nalito sa nakikitang hitsura ng binata. "Hindi naman malakas ang pagkakahampas ko ng silya sa iyo." may bahagyang guilt sa tinig niya na humalo sa galit. "Kasalanan mo dahil basta ka na lang pumapasok sa silid ng may silid. Walang bolt ang silid na ito at kailangan kong protektahan ang sarili ko sa... sa mga... tulad mo..."
Alvaro moaned and cursed silently. The woman is intolerable. Kasalanan ba talagang pumatay ng tao? O ng babae for that matter?
"Please... ayokong makipag-usap. Gusto ko na lang magpahinga, okay?" patuloy nito pero hindi nagmulat ng mga mata. "Bahala kang magreklamo sa ibaba and I doubt kung pakikinggan ka.
Kilala ako ng mga iyon."
Nalimutan sandali ng babae ang tungkol sa silid na pinagtatalunan nila. Nalilitong tinitigan ang binatang nakapikit, as if in real pain. Nang biglang maisip na inundayan nga pala ito ng patalim kanina niyong isang lasing. Ang alam niya ay nadaplisan lamang ito?
![](https://img.wattpad.com/cover/218797496-288-k618569.jpg)
BINABASA MO ANG
Kristine Series 8 - Wild Rose (COMPLETED) (UNEDITED)
RomanceA virgin widow. At gusto niyang takasan ang bayaw na naghahangad sa kanya. Mula Houston, Texas, Kristine was swept into a savage paradise sa isla ng mga Navarro sa Quezon Province. Si Alvaro, ang panganay na anak ni Franco Navarro, was a handsome de...