20

45.1K 1.1K 168
                                    


"ALLOW me to call that dumb brother of mine, Kristine." si Jenny na hinahagod ang likod ng kaibigan habang nagduduwal.

"P-please... l'll never forgive you kung gagawin mo." inabot nito ang face towel at pinunasan ang mukha.

"Wala akong balak magkaroon ng pamangkin na bastardo!"

"May palagay akong wala kang mapagpipilian sa bagay na iyan," matabang niyang sinabi. "I have been through a loveless marriage once, Jen. Loveless, in a sense na Roy and I did not share this romantic kind of love. At ayokong obligahin si Alvaro na pakasalan ako dahil lamang nagdadalang-tao ako." Humakbang siya palabas ng banyo.

Itinaas ni Jenny ang dalawang kamay. "Goodness' sake, Kristine, ano ang sasabihin mo sa pamangkin ko kung sino ang ama niya?" Ni hindi namalayan ng dalawang babae ang pagbukas ng pinto sa family room. Ang unipormadong katulong na naroon ay tahimik na lumabas nang senyasan ni Alvaro.

"I can always tell my child na si Roy ang ama niya tutal biyuda naman ako, 'di ba?" balewalang sagot niya. Sinikap na itago ang pait sa tinig. Gustong mag-alsa-boses ni Jenny sa narinig pero naunahan siya ni Alvaro doon.

"At ipaaangkin mo sa iba ang anak ko!" Tila kulog ang tinig nito na nag-echo sa paligid. "Why, you're even worst that I thought!"

"Alvaro!" parehong sabay na sinambit ng dalawang babae. Si Jenny ang unang nakabawi sa pagkabigla at ngumiti.

"Why, big brother, you could never have arrived at a better time..." lumapit ang dalaga at masuyong hinalikan sa pisngi si Alvaro. "I've been here for more than a year, i almost forgot just how gorgeous you are." kinindatan nito si Kristine at lumakad patungo sa pinto.

"I'll deal with you later, brat..." banta ni Alvaro sa kapatid.

Kinabahan si Jenny at nahinto sa paghakbang. Kilala niya ang tonong iyon ng kapatid. Mas mahigpit si Alvaro kaysa kay Franco pagdating sa kanya. "T-tungkol saan?"

"May sinabi sa akin si Lance na nakikipag-date ka sa isang rock star." tumiim ang mukha nito. 

"Now, go. Mamaya tayo mag-usap." Mabilis na lumabas ang dalaga na hindi maalis ang kaba. Sana ay maging maganda ang resulta ng pag-uusap ng dalawa upang hindi gaanong magalit ang kapatid.

Mahabang katahimikan ang namagitan bago nagsalita si Kristine. "Bakit ka narito?"Nagkibit ng mga balikat si Alvaro. "Tulad ng sinabi mo, balewala sa akin ang milya-milyang layo just to satisfy my lust for your body..." he said softly.Naningkit ang mga mata niya na tinitigan nang masama si Alvaro. Kasabay rin niyon ang pagnanais na takbuhin at yakapin ito. Fifteen days na siya mula nang dumating dito and she missed him so much. Pero pinigil niya ang sarili.

"Well, excuse me, this widow isn't available..."

"You will be." nagbabadya ng pangako ang tinig nito. Pagkatapos ay hinagod ng tingin si Kristine. 


"You're pregnant with my child..."

Nagkibit siya ng mga balikat. "I indulged myself in casual sex so ito ang napala ko."

"Damn you, Kristine."

"What do you want, Alvaro?"

"Ikaw. Marry me."

Muntik nang maubo si Kristine sa narinig. Sinisikap pigilin ang pag-alpas ng galak sa dibdib. 


"Hindi kita ita-trap sa pag-aasawa dahil nagdadalang-tao ako, Alvaro."

"I have every intentions of asking you to marry me kaya lumipad ako patungo rito. Hindi ko alam na nagdadalang-tao ka until minutes ago kaya hindi iyon ang dahilan kaya gusto kitang pakasalan. That is a big bonus."

"Ano ang dahilan mo?" She held her breath.

"Oh, marami. Halimbawa, we haven't even made love yet on horseback. It made me rock hard habang ini-imagine ko na gagawin natin iyon. Your legs around my hips and my flesh deep inside you and you need not move because me and the horse will glide us. Don't you think it would be the most incredible ride of our lives, babe?"

Napahugot ng paghinga si Kristine. Nanayo ang mga balahibo sa katawan at nanulay ang init hanggang sa tiyan niya. Drat this man, arousing her just by talking carnally!

"Pangalawa, I'm losing weight dahil hindi ako makakain at makatulog sa kaiisip sa iyo. Pangatlo, I wanted your face next to my pillow every morning of my life. Pang-apat..."

"Get straight to the point, Alvaro! Ano ang gusto mong sabihin?"

"I love you, wild rose."

She smiled. "I'm delighted to know it, Alvaro Navarro. What took you so long to say that?"


"Because I'm dumb." Sa dalawang hakbang ay nasa mga bisig na nito si Kristine.

"That's just fine with me. I have this penchant for dumb men, anyway." She tiptoed and planted a soft kiss on his lips. "I love you. Alvaro."

"Wild rose. Beautiful and exotic—and mine," he said huskily at tinakpan ng mga labi ang mga labi ni Kristine.




WAKAS



**********Sorry mga beshies medyo mabagal ang internet ni Admin A kaya matagal matapos ang pag-uupdate. Stay safe and always pray. Comment kayo if gusto n'yo ng kakwentuhan char hahahaha. - Admin A ****************

Kristine Series 8 - Wild Rose (COMPLETED) (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon