15

26.9K 649 5
                                    

NANG magising siya kinabukasan ay nag-iisa na lang siya sa silid. Hindi siya agad bumangon at ibinalik sa isip ang nagdaang gabi. Dinama ng palad ang unan ni Alvaro. She smiled. Somewhere in the night, nang damputin niya ang tasa ng kape ay malamig na iyon. Still, ininom pa rin niya sa pagtawa ni Alvaro.

He made love to her endlessly through the night. Ang tanging ipinagpasalamat niya ay walang itinanong ang binata. And she was glad. Hindi niya gustong magpaliwanag. She will be gone soon. Kung anuman ang mangyayari at totoo ang sinasabi ni Marvin sa kanya, at least nakahanda siya. Hindi mapagtatawanan ni Marvin si Roy. At hindi iisipin ni Marvin na ibang lalaki ang nakialam sa katawan niya.

Marahan siyang bumangon. Kinuha ang tuwalya sa sahig at itinapis at lumabas ng silid patungo sa sariling silid niya. Naligo at nagbihis ng denims at t-shirt. Pagkatapos ay binuksan ang bintana sa silid at natambad sa kanya ang mainit na sikat ng araw. Tila hindi nagdaan ang isang malakas na ulan kagabi. Paalis na siya sa bintana nang may mapansin sa kanang bahagi ng Villa.

A cessna! Ano ang ginagawa ng isang maliit na eroplano sa tagiliran ng villa?!

Lumabas siya ng silid upang bumaba. Nasa kalagitnaan na siya ng hagdan nang makarinig siya ng mga tinig. Ang isa ay kay Alvaro. Hindi niya kilala ang nagsasaiita sa galit na tono.

"Well, I'm sorry, pero hindi ko pinaniniwalaan ang sinasabi ng lalaking iyan!" galit na wika ni Alvaro.

"Damn you, have you ran out of women at pati may asawang tao ay gusto mong patulan!" sigaw ni Franco sa anak sa nagpupuyos na dibdib.

"Franco, please, napag-uusapan naman nang maayos ito." si Bea na nag-aalala. Kung galit ang asawa ay lalo niyang nakikita ang galit sa mukha ng panganay na anak. At hindi niya gustong magtagpo ang mag-ama na parehong mainit ng ulo. Kilala niya si Alvaro. Kapag palagay ng anak na tama ito, walang makapipigil sa gustong sabihin at gawin. Sinulyapan ang isang lalaking nakatiim ang mga bagang na nakaupo sa dulo ng sala.

"Walang asawa si Kristine, Papa. She was a widow," mariing sagot ni Alvaro sa nagngangalit na mga bagang. Kung nakamamatay ang tinging ipinukol niya sa bisitang kasama ng ama ay namatay na ito.

"She was my brother's widow, Mr. Navarro," ang sagot ng lalaki.

Napasinghap si Kristine. Kilala niya ang tinig na iyon. Si Marvin! Ano ang ginagawa ni Marvin dito? Paano siyang nasundan ng bayaw dito? Walang ingay na muli siyang pumanhik. Pumasok sa isa sa mga guest rooms. May daan doon patungo sa library sa ibaba at mula roon ay makalalabas siya nang hindi namamalayan ng kahit na sino.

"Iyan ang pagkakaalam ko, Mr. Cuevo," sagot ni Alvaro. "Isinulat iyan ng mga kapatid ko. And she's been widowed for more than six months now."

"But Kristine married me one month after my brother died. Then we went back to Houston for our honeymoon. And we were still on our honeymoon nang sabihin niyang bumalik na kami ng Pilipinas. I was tied up then kaya pinauna ko siya." napapikit si Marvin.

Nang lapitan nito ang kaibigan ni Kristine na si Jennifer Navarro ay inamin nitong nagbabakasyon sa rancho nila sa Pilipinas si Kristine pero hindi gustong sabihin kung saan. At least, he was able to track down the Navarro family. Hindi mahirap dahil kilala ang mga ito. At hindi siya makapaniwalang nagkaroon ng mga ganitong kaibigan ang hipag. They're living above average pero sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay nito ay talagang nakatagpo ito ng mga totoong milyonaryo. The so-called rich and famous.


"Bakit ka niya pakakasalan kung kamamatay lang ng asawa niya, Mister Cuevo?"

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Marvin. "Mahabang istorya, Mr. Navarro..."

"You have my whole day," sarkastikong sagot ng binata.

"Dammit, Alvaro!" hiyaw ni Franco. 


"Bakit kailangang malaman mo kung paano nagkapangasawahan si Mr. Cuevo at ang bisita mo? Tawagin mo ang asawa niya at nang makauwi na sila."


"Please, hindi ba tayo puwedeng mag-usap tulad ng mga sibilisadong tao?!" Si Bea.

"Try telling that to your son, Mrs. Navarro," sagot ni Marvin. 


"Hindi ko maintindihan kung bakit pinahihirapan mo ako, Mr. Navarro, na makausap ang sarili kong asawa. Mapapatunayan niya sa iyong mag-asawa kami."

"Sinabi ni Kristine ang tungkol kay Roy pero hindi ang tungkol sa iyo, Mr. Cuevo. Minsan man ay hindi niya binanggit ang pangalan mo."

Nagbuntong-hininga si Marvin. Trying to be patient. "I am really sorry about this Mr. Navarro. 

Pero hindi pa talaga naka-recover ang asawa ko sa nangyari kay Roy. She loved him so much that when he died she was devastated."

Matalim na humugot ng paghinga si Alvaro. Parang patalim na humihiwa sa kanya ang sinabi ni Marvin. Hindi niya maintindihan kung bakit nagmamatigas siyang ipakausap dito si Kristine. He had wanted her ever since that night sa hotel sa Sto. Cristo.

And he got her last night just as he got the biggest surprise of his life. His wild rose, this little pretty widow is a virgin. Oh, no, not anymore. He took care of that pretty well.

And he'll be damned kung papayagan niyang tangayin ng kung sinong herodes na ito na nagpapanggap na asawa si Kristine.

"One of the reasons why I married her dahil sa tendency niyang basta na lang nawawala mula nang mamatay ang kapatid ko," patuloy ni Marvin. 

"I need to protect her just as my brother did. You see, she had been with the family since she was a child and Roy adored her from the very beginning," wika nito sa mapait na tinig.

Isa pa uling buntong-hininga ang pinakawalan nito at nilinga ang mag-asawa. 


"And I'm only glad na dito nagpunta ang asawa ko, Mrs. Navarro. Baka kung ano ang nangyari sa kanya kung sa iba siya nagpunta. She's very pretty and she attracted men like bees to honey." may halong banayad na sarcasm ang tinig ni Marvin na alam ng lahat ng patungkol kay Alvaro.


Nagtiim ang mga bagang ng binata. Damned this lying SOB! Hindi siya naniniwala alinman sa sinasabi nito maliban sa naging biyuda ni Roy si Kristine.

"Please, maaari ko na bang makita at makausap ang asawa ko?"

Hinawakan ni Bea sa braso ang anak. "Darling, why don't you tell us where she is nang matapos na ang usapang ito?"

Isang banayad na tango ang isinagot ng binata na humakbang patungo sa hagdan. Gusto niyang makausap muna si Kristine at hingan ng paliwanag.

He took his time going up. Torn between anger, jealousy and possessiveness. Ang tanging nakapagpigil ng kontrol ay ang katotohanang siya ang unang lalaking umangkin dito.

Kristine Series 8 - Wild Rose (COMPLETED) (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon