MALAYO na si Kristine sa villa sakay ng kabayong sinakyan niya kahapon. Sa pagkakataong iyon ay banayad niyang napatakbo ang kabayo sa kabila ng matinding kaba na baka siya maihulog. Wala siyang dinala maliban sa pera, VISA cards at passport niya.
Lumingon siya sa pinanggalingan. Maliit na lang sa paningin niya ang malaking bahay sa ibabaw ng bundok at napahikbi siya. Hindi niya gustong umalis. Gusto niyang manatili sa piling ni Alvaro sa mahaba-haba pang panahon. She loves him at kung hindi dumating si Marvin ay hindi pa niya gugustuhing umalis.
Definitely, Alvaro wouldn't want to marry her kahit na nga ba ito ang unang lalaking umangkin sa kanya. Niliwanag na sa kanya ni Jenny na hindi si Alvaro ang uri ng lalaking patatali sa kasal. At sinabi rin mismo ni Alvaro iyon.
But she was a widow. At sasamantalahin niya ang panahong makapiling si Alvaro. Napangiwi siya roon. Ginagamit niya ang katayuan niya para bigyang lisensiya ang pakikipagtalik. Nasaan na ang moralidad at values niya?
Sa loob ng panahon mula nang mamatay si Roy ay hindi birong lalaki ang nagtangkang maangkin siya. Ang iba ay malinis ang hangarin. At kung pinayagan niya ang suhestiyon ni Marvin na manatili sa apartment nila ni Roy sa Houston ay malamang na naangkin na siya nito. Hindi dahil sa gusto niyang paangkin, Roy would not hesitate to rape her. Sasabihing may lisensiya ito bilang asawa. Napahikbi siyang muli roon. Hindi alam kung ano talaga ang nangyari.
"Ho!" Banayad niyang hinila ang renda ng kabayo. Nasa harap siya ng dalawang magkasanga at magkasinlaking daan. Parehong may mga bakas ng gulong ng sasakyan ang nagpuputik pang lupa dahil sa malakas na ulan ng sinundang gabi.
Alin doon ang palabas ng rancho?Nasa ganoon siyang kalituhan nang makarinig ng mga yabag ng kabayo. Kinabahan siyang bigla. Nasundan ba siya kaagad ni Alvaro? Mula sa bukana ng isang sangang-daan na pinag-iisipan niya ay lumitaw ang binata at ang malaking stallion.
"Alvaro..." hindi halos lumabas sa bibig niya iyon. Kitang-kita niya ang galit sa mukha nito na hindi man lamang nagmenor sa pagpapatakbo ng kabayo.
Pagtapat sa kanya ay matipunong bisig ang humawak sa baywang niya. Napasigaw siya sa matinding takot nang sa isang iglap ay tumaas siya sa ere at bumagsak sa harap ng binata. Halos bumaon ang mga daliri niya sa mahigpit na paghawak sa mga balikat nito habang patuloy sa pagtakbo nang mabilis ang kabayo. Hindi niya malaman kung paano ipupuwesto ang sarili sa harap ng binata.
"Stop this horse, Alvaro!" hiyaw niya pero hindi pinakinggan ng binata iyon. "Damn you, sino ikaw sa palagay mo, si Marlboro man!" Subalit nilunod ng hangin ang sigaw niya. Ang buhok niya'y tumabon sa kanyang mukha at bibig at hindi niya maalis dahil mahigpit siyang nakahawak sa mga balikat nito. Alam niyang mahigpit na nakahawak ang isang kamay ni Alvaro sa baywang niya but she was scared na mahulog kung bibitaw.
"Huwag mo akong ibalik kay Marvin, Alvaro, please! I'd rather die!" malakas niyang sigaw na sa pakiramdam niya'y nag-echo na sa buong paligid.
"I won't, babe, I won't..." he said in a barest whisper.
Iyon lang and hopelessly she stopped shouting at inihilig ang ulo sa dibdib nito. Closed her eyes at nilunod ang sarili sa exciting male scent ng binata. And to hell with everything else as long na hindi siya ibabalik nito sa villa at harapin si Marvin.
Mula sa mga balikat ng binata ay bumaba ang kamay niya sa dibdib nito. Opened a few buttons and played with the hair on his chest. He stiffened and it encouraged her to grazed her tongue tentatively on his nipple. He groaned at naramdaman niyang bumagal ang kabayo.
"Damn you, Kristine, don't do that or you will be made love to right here on horseback," banta ng binata in a husky voice.
She could feel the growing muscles. Tumingala siya and smiled provocatively. "I'm still sore but I won't mind. Some kind of an experience and that is what you would really call a rough ride..."
BINABASA MO ANG
Kristine Series 8 - Wild Rose (COMPLETED) (UNEDITED)
RomanceA virgin widow. At gusto niyang takasan ang bayaw na naghahangad sa kanya. Mula Houston, Texas, Kristine was swept into a savage paradise sa isla ng mga Navarro sa Quezon Province. Si Alvaro, ang panganay na anak ni Franco Navarro, was a handsome de...