18

27.2K 668 6
                                    


APAT na araw na mula nang mangyari iyon. Si Marvin ay bumalik sa Texas. Inamin nitong fake ang kasal and her signature was forged. Natakot ito sa maaaring gawin ng mga Navarro. Kristine was really sorry for him at nangako siyang isa sa mga araw na ito ay ibabahagi niya kay Marvin ang mga naiwan ni Roy. He was entitled to that considering na pare-pareho silang hindi mga anak ng mga Cuevo.

At muli siyang bumalik sa bahay nila ni Roy sa Quezon City. She missed the ranch pero sa nakalipas na apat na araw ay nakadalaw na ng isang beses si Alvaro sa kanya. And they have made love countless of times sa minsanang pagdalaw na iyon.

"LANCE!" bulalas ni Nick nang bumukas ang pinto at sumungaw si Lance kasunod si Alvaro.Nagkamay nang mahigpit ang dalawa na halos magyakap. 


"How are you, brother?" nakatawang bati ni Lance. 


"Tinalo mo pa ang Papa sa ayos mo, ah." Si Alvaro ay naupo sa visitor's chair at itinaas ang mga binti sa kabilang silya giving them a lazy smile.


"When did you arrive? How's Jenny?"

"My plane touched down two hours ago. And my little brat of a sister is fine. Graduating na siya next sem." naupo si Lance sa gilid ng mesa.

"Bakit ka biglang narito sa Pilipinas, ha, Lance? Balita ko'y jet-setter ka na ngayon. Sino ba ang latest mo ngayon?" nakatawang tanong ni Nick.

Nagkibit ng mga balikat si Lance at pilyong tumawa. 


"Not your type so don't be envious," biro nito. 

"At may dala akong proposal sa Papa tungkol sa branch na gustong itayo sa Texas kaya ako narito, Nick." Pagkatapos ay tinitigan ang kapatid. 

"Hindi ba dapat na si Alvaro ang dapat nating kumustahin?"

Nag-angat ng kilay si Nick. "Mayroon ba akong hindi alam?"

"C'mon, Lance." si Alvaro na naka-plaster na ang ngiti sa mga labi.

"You mean, hindi mo alam?" nagtatakang baling uli nito kay Nick. Pagkatapos kay Alvaro. 


"How's that virgin widow na ipinadala namin ni Jenny sa iyo, big brother?"


Tumaas ang isang sulok ng mga labi ni Nick at tinitigan si Alvaro. "A virgin widow? That's interesting. May inililihim sa akin ang kaibigan ko."

"Oh, yes," patuloy ni Lance na nakatawa. 


"She was a widow and heaven knows still a virgin after two years of marriage. At gusto ni Kristine na mawala na ang virginity para nga naman hindi sagabal at walang maraming question kung bakit wala pa siyang sexual experience gayong nagkaasawa na at nabiyuda. And when Jenny send her over to Alvaro, well..." nakangising baling nito kay Alvaro na biglang nawala ang ngiti at tumiim ang anyo. "... knowing my brother who has a penchant for mestiza..."


"Well... welll..." si Nick na nagsalubong ang mga kilay sa pag-iba ng ekspresyon ni Alvaro.

"And I even offered myself to bed her. Ang sagot sa akin, hindi niya ako type," at sinabayan nito ng tawa ng malakas. Tawang nahinto sa marahas na pagtayo ni Alvaro at lumabas ng silid nang walang paalam.

Nagkatinginan ang dalawang lalaki. "Did I say something wrong?" Inilahad ni Lance ang mga kamay.

Tumikhim si Nick. 


"Beats me. Pero nakapagtatakang hindi sinasabi ni Alvaro ang tungkol sa babaeng ito, Lance. We always tell each other about our women... unless..."


"Unless seryoso si Alvaro sa babae?" dugtong ni Lance na agad ding umiling. "Hindi si Alvaro ang nagseseryoso ng babae, Nick."

"Look who's talking," at bumunghalit ng tawa si Nick.

Kristine Series 8 - Wild Rose (COMPLETED) (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon