TULOG pa ang lahat ng tao sa villa ay gising na si Kristine. Ito ang ikatlong araw niya sa rancho. Kahapon ay ginugol niya ang kalahating araw sa pag-iikot sa buong rancho kasama si Alvaro. At sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay niya ay nakakita siya ng hindi-mabilang na mga baka.
Maliban doon ay ipinakita rin sa kanya ng binata ang orchard ng iba't ibang mga prutas.
Sa ibaba ay nasalubong niya si Aning, ang isa sa mga katulong.
"Magandang umaga po. Gusto ba ninyong ipagtimpla ko kayo ng kape?" Sinulyapan nito ang tuwalyang hawak niya.
Umiling siya.
"Mamaya na lang, Aning. Ituro mo sa akin ang daan patungo sa beach."
"Madali lang po, Miss Kristine. Baybayin po ninyo ang daan sa likod ng bahay pakanan. Pababa po iyon ay may makikita kayong hagdanang lupa patungo sa aplaya." Pagkatapos magpasalamat sa katulong ay lumabas na ng bahay si Kristine. Sinalubong siya ng malamig na simoy ng pang-umagang hangin. Kailangan niyang tumakbo kung hindi niya gustong ginawin.
Alas-sais pa lang.
Makalipas ang ilang minutong pagtakbo ay natanaw na niya ang hagdanang lupa na sinasabi ni Aning. Marahil ay may sampung baitang. By the time na nasa baybayin siya ay basa na ang jogging shirt niya sa pawis. Mabilis siyang naghubad ng pang-itaas at gayundin ang jogging pants. Nasa katawan na niya ang bathing suit.
Inilapag niya ang mga iyon sa buhangin kasama ng tuwalya at tumakbo sa dagat. Hindi niya mapigilang hindi humanga sa linaw ng tubig. Natatanaw niya ang buhangin sa ilalim. Sana ay nakapagdala siya ng snorkel. Matagal din siya sa tubig nang pag-ahon niya ay natanawan niya si Alvaro na nakaupo sa tabi ng mga gamit niya. Mabilis siyang umahon kasabay ng mabilis na pagtibok ng dibdib.
"Hi."
"Good morning. Para sa isang city girl, you're an early riser, Wild Rose," nakangiting bati nito na
buong paghangang sinuyod ng tingin ang kabuuan niya.
"Pakiramdam ko ba ay isa akong indian princess diyan sa tawag mo sa akin." Inabot niya ang tuwalya at pinunasan ang basang katawan. Biglang na-self conscious sa mga titig ng binata.
"Hindi ka mapagkakamalang indian. Mukha ka ngang hindi Pilipina. Maputi ka and if you dye your hair mas mukha ka pang american. But you looked like a princess, anyway."
Nangiti siya sa obvious na compliment. "Ano iyan?" Itinuro niya ang thermos sa tabi ni Alvaro.
"I brought you some coffee." inabot nito ang maliit na thermos at nagsalin sa mug at iniabot sa kanya.
"Oh, thank you..." inabot niya ang mug at walang atubiling dinala sa bibig. She needed that coffee right now.
"How long will you stay?" walang abog na tanong ni Alvaro na nagpahinto sa pag-inom niya ng kape.
"D-depende..."
"Saan?"
"Sa itatagal ng hospitality ninyo ng Lola Erlinda."
"You can even stay here forever if you want to."
Oh, I want to. Pero alam niyang hindi mangyayari iyon. Sooner or later ay kailangang hanapan niya ng solusyon ang problema. Walang mangyayari sa pagtatago niya. Katunayan ay hindi naman niya sinabi kay Jenny ang totoong dahilan sa pagnanais niyang iwasan ang bayaw niya. She gave Jenny a stupid reason kung bakit gusto niyang umalis at iwasan si Marvin. Pumasok sa isip ang huling seryosong pakikipag-usap niya kay Jennifer Navarro.

BINABASA MO ANG
Kristine Series 8 - Wild Rose (COMPLETED) (UNEDITED)
RomanceA virgin widow. At gusto niyang takasan ang bayaw na naghahangad sa kanya. Mula Houston, Texas, Kristine was swept into a savage paradise sa isla ng mga Navarro sa Quezon Province. Si Alvaro, ang panganay na anak ni Franco Navarro, was a handsome de...