|Kim Wooseok|

79 3 0
                                    

"MOM! ANDWAE!" No way!

"Hyora, this is the only way to save our company!" Sigaw pabalik sa akin ni Mommy.

"So I need to sacrifice my happiness?!" Inis kong sambit at padabog na tumayo papunta sa likod niya.

"Anak naman, tulungan mo naman kami ng mommy mo. We have no other choice but this." Biglang pumasok sa kwarto ko si Daddy.

Ayos, dalawa na sila ngayong kasagutan ko, tss.

"There are so many choices, Dad. Pwede kang makipag deal sa ibang kumpanya! Pwede kang humingi ng palugit sa mga stockholders! Hindi na ako pa ang pagdidiskitahan niyo!" Galit kong sigaw sa kanila.

Umiiyak na si Mommy at napahawak naman sa ulo niya si Daddy.

"Sa tingin mo ba, hindi ko naisip 'yan? Hyora, we already tried that! But nothing happened! Nalulugi na ang Choi Company at kailangan na ng magsasalba! Ang mga Kim lang ang makakagawa niyon, bukod sa sila ang pinakamaimpluwensiyang pamilya rito sa Daegu ay malaki rin ang maitutulong nila sa kumpanya natin! So please, anak... help us." Napapikit na lang ako at napatingala. Pareho silang nagmamakaawa sa akin. Hindi ko na sila kaya pang tignan.

"Hyora, anak... please pumayag ka na... ikaw ang makakapagsalba sa kumpanya natin. Ikaw lang ang makakagawa non!" Umiiyak na lumuhod si Mommy sa akin at hinawakan ang dalawa kong paa.

"Mommy naman e! Tumayo ka!" Naiiyak kong suway sa kaniya. Hinawakan ko ang kamay niya pero ayaw niyang tumayo.

"Ngayon pa lang, gusto ko nang humingi ng sorry, anak. Hindi dapat ginagawa 'to ng mga magulang pero ito na lang ang natitira nating pag-asa." Hindi ko na napigilan pa ang mapahagulgol. Niyakap ko si Mommy at pinatahan.

Ayokong makitang nagkakaganito ang pamilya ko dahil lang sa kumpaniya. Nasasaktan ako para sa kanila.









"Are you ready?" Pilit na ngiti ang iginanti ko kay Daddy. Binuksan niya ang pinto ng sasakyan para makapasok ako sa backseat.

Sila naman ni Mommy ang nasa frontseat. Matapos ang madamdaming naganap sa kwarto ko noong nakaraang araw, buo na ang desisyon ko.

"B-balita ko, sikat na singer ang anak ng mga Kim."

Nagtama ang mga mata namin ni Mommy sa side mirror ng sasakyan. Nakasandal kasi ako sa bintana.

"Talaga po?" Pinilit kong pasiglahin ang boses ko pero hindi ko talaga kaya.

"Magugustuhan mo siya, anak. I'm sure of it." Nginitian ako ni Mommy kaya huminga na lamang ako nang malalim.

I can't do anything now but to accept my fate. Malulungkot lang ulit sina Mommy at Daddy kapag umatras ako bigla. Itutuloy ko na 'to.

Pumasok kami sa isang mamahaling restaurant. May kinausap na lalaki si Daddy at iginiya kami papasok sa isa pang kwarto na para sa mga VIP.

Nang makapasok sina Mommy ay agad silang nag bow kaya gumaya na lang rin ako.

"Good evening, Mrs. and Mr. Kim. This is our daughter, Choi Hyora." Nakangiting pagpapakilala sa akin ni Daddy.

Nginitian ako ng isang babaeng mukhang kaedad lang ni Mommy.

"Yepuda." Beautiful. Mahina niyang sabi kaya nag-bow ulit ako sa kaniya at pilit na ngumiti.

"Kamsahamnida, Mrs. Kim." Magalang kong wika.

"Have a seat. Let's wait for my son to come, may fan meeting pa kasi siyang inattendan." Medyo nahihiyang sabi ni Mr. Kim.

"Ani, gwaenchanna. At least we have time to talk about non-business things." Nakangiting sabi naman ni Mommy.

Fly High, X1 |Completed|Where stories live. Discover now