|Kang Minhee|

41 3 0
                                    

"Talaga lang ah?" Pigil ang inis kong bulong sa sarili nang bumungad sa aking harapan ang isang pirasong rosas na nasa loob ng aking locker.

Ilang araw na akong nakakatanggap ng bulaklak, minsan sunflower, madalas rosas. Nakakainis lang talaga dahil hindi ko mahuli-huli ang taong may pakana nang lahat ng 'to.

Kinuha ko ang maliit na notepad na nakadikit sa dulo ng tangkay ng rosas at binasa iyon nang mahina.

Good morning!

Napasinghal ako para itago ang ngiti sa aking labi. Saglit ko iyong inamoy at pumitas ng isang pirasong petal. Inilapag ko iyon sa loob ng aking locker atsaka iyon pabagsak na isinara. Tumayo na ako at walang pagaalinlangang itinapon sa malapit na trashbin ang rosas. Ibinulsa ko naman ang maliit na notepad at tumungo na sa kailangan kong puntahan.









"You're late, Chaerin." Bungad sa akin ni Minhee nang makapasok ako sa loob ng Supreme room. Nandoon na ang lahat ng kasapi sa council at halatang ako na lang ang kanilang hinihintay.

"Chill, Mister President. Miss mo naman ata ako masyado." May halong pang-aasar kong sabi at naupo na sa sarili kong silya. Silyang bise presidente lamang ang dapat umupo.

"Sobrang miss, Chaerin." Sabay tawang sambit ni Coreen. The secretary.

"Shut up." Saway sa kaniya ni Minhee at naupo na sa pinakadulo ng mahabang mesa. Iyong upuan kung saan nakapwesto ang mga padre de pamilya.

"Nagsusungit na naman." Nagpaparinig na sabi ni Jinhyuk. The treasurer. Nag-inat ito at pasimpleng sumulyap kay Minhee.

"Talk less, ingat-yaman." Seryosong baling sa kaniya ni Mister President.

Itinaas ni Jinhyuk ang dalawa niyang kamay senyales ng pagsuko.

"Wag niyo na ngang asarin si Minhee-hyung, baka mas lalo siyang ma-f--" Hindi na natapos ni Haenam ang sinasabi niya nang takpan ni Wooseok ang bibig nito.

"Napakadaldal mo, anak. Mapapahamak tayo sa sinasabi mo e." Pekeng tawa nito at sumulyap kay Jinhyuk.

"Tama ang mommy mong auditor, Haenami. Wag kang sasabat sa usapan ng mga matatanda. Grade 9 representative ka lang." Pagsang-ayon ni Jinhyuk sa kunyaring asawa.

"Geez, dito niyo talaga naisipang magbahay-bahayan? Mga bakla." Nandidiring asik ni Yeh Suh. The Peace in Order.

Napuno nang tawanan ang buong kwarto. Maski ako ay hindi na rin napigilang makitawa. Feel na feel naman kasi ni Wooseok at Jinhyuk na magmahalan dito sa Council Room. Ginawa pang anak ang inosenteng si Haenam.

"Let's proceed to the meeting." Biglang pigil ni Minhee dahilan para matahimik ulit kami. Tinignan ko siya at napansing sa akin din pala siya nakatingin. Agad siyang umiwas at hindi na ulit ako tinignan pa.

Anong problema nito? May dumi ba ko mukha?

Otomatiko kong kinuha ang phone ko at sinilip ang aking napakagandang mukha. Wala naman, ang ganda-ganda ko kapag pumapasok e.

"We, student council members, will take over the wedding booth next week, foundation day. Nagpatawag ako ng meeting para magkaroon tayo ng plano tungkol sa mga gamit na kakailanganin. Hindi kasi magp-provide ang ibang faculties, may galit ata sa atin ang mga 'yun kaya tayo na lang. Kaya naman diba?" Mahabang litanya ni Minhee.

"Oo naman! Tayo pa ba!" Jinhyuk.

"Kayang kaya!" Wooseok.

"This is our chance to prove them wrong." Coreen.

"Next week will be our time to shine." Yeh Suh.

"Mapapatunayan na nating may dulot tayo!" Malakas kong dagdag with matching fighting gesture.

Fly High, X1 |Completed|Where stories live. Discover now