|Son Dongpyo|

43 3 0
                                    



"Shin Ae, don't go anywhere okay? Just play around but don't go outside the playground." Paalala ko sa anim na taon kong pamangkin.

Nandito kami sa playground at inutusan ako ni Eonni na bantayan ang anak niya. Kahit na napagkakamalan na akong isang nakapakagandang batang ina, hinayaan ko na lang sila.

Naupo ako sa isang swing at nag-phone. May gwardiya naman ang palaruang ito at may mga kasama rin kaming mga magulang na hinahayaan ang mga anak nila na maglaro. Hindi naman siguro kailangang bawat segundo ay sundan ko si Shin Ae.

Walang pasok ngayon at katatapos lang din ng Intramurals last last week tapos periodical last week kaya super pagod ako ngayon. Magkasunod na hell week yun dahil kasali ako sa volleyball team ng school namin.

Nag-ring ang phone ko at lumabas ang pangalan ni Eonni sa screen.

"Oh?" Bungad ko sa kaniya.

"Anong oh ka diyan, nasaan kayo ng anak ko? Pinakain mo na ba yan? Alas-diyes na ng umaga." Napairap ako sa hangin at sinipat ng tingin si Shin Ae na nakikipaglaro sa iba pang bata dito sa playground.

"She's doing great." Simple kong sagot.

"Anong doing great pinagsasabi mo? Nasaan ba kayo?"

"Playground. Mana sayo 'tong anak mo. Magaling makipag-socialize. Nagkaroon agad ng kaibigan eh." Natawa naman siya sa kabilang linya.

"Well, like mother like daughter." Pagmamayabang niya pa. "Ikaw? Kailan mo balak magkaanak ha? Para naman may kalaro na sa bahay ang anak ko at hindi na kailangang pumunta ng playground." Suminghal ako.

"What the hell. 18 pa lang ako eonni! Bad influence ka! At kapag nagkaanak na ko, hindi ako titira sa bahay mo noh! Hahanap ako ng mansion para sa sarili kong pamilya." Pareho kaming natawa sa sinabi ko.

"Sariling pamilya ba kamo? Wala ngang nanliligaw sayo! Iniwan ka rin kaya nung ex mo eh." Napasimangot ako.

May manliligaw ako noh! Every weekdays kaya akong nakakatanggap ng love letter at roses mula sa kung sino. Hindi ko lang talaga kilala kung sino yun.

Mas malakas talaga mang-asar si eonni. I can't change that fact. Both parents namin ay sa States nagtatrabaho kaya kaming dalawa lang lagi ang magkasama sa bahay. Kahit may pamilya na ay hindi pa rin ako iniiwan kaya ayun, para akong naging fourth wheel sa pagmamahalan nilang tatlo ng asawa at anak niya.

"Sige na, sa labas na lang kami magl-lunch ni Shin Ae para magkautang na loob ang batang 'to sakin at linisin ang kwarto ko."

"HOY! IKAW ANG MAGLINIS NG KWARTO MO! LANGYA 'TO! BALAK MO PANG GAWING KATULONG YANG PAMANGKIN MO, BATA-BATA PA NIYAN!" Natawa na lang ako sa naging reaksyon niya.

"BYE!" Pinatayan ko na siya ng phone. Asar na naman sakin yun, sigurado.

Tinignan ko ulit si Shin Ae, may kausap na siyang lalaking mukhang trese anyos pa lang. Base kasi sa mukha niya ay bata pa talaga siya. May katabi siyang batang babae at sabay nilang kinakausap ang pamangkin ko. Hindi ko na sana sila papansinin nang makita kong tinulak nung batang babae si Shin Ae.

"Ya! Why did you do that?!" Galit kong sigaw sa bata at sabay-sabay silang napalingon sakin.

Tumakbo ako papunta kay Shin Ae at inagaw siya sa lalaking nagpatayo sa kaniya. Pinagpagan ko ang nadumihang damit ng pamangkin ko.

"Hoy bata, alam mo bang masama ang manulak?" Tanong ko dun sa batang babae. Mabuti at hindi umiyak tong pamangkin ko kung hindi, gegerahin ko ang dalawang 'to. Hirap-hirap magpatahan ng bata eh.

Fly High, X1 |Completed|Where stories live. Discover now