|Lee Eunsang|

48 4 2
                                    

"Pabili nga po, isang pirasong sigarilyo."

Ikinatok ko sa metal na grill ang baryang hawak ko para pukawin ang atensyon ng tinderang nasa loob.

Nagdadabog itong naglakad palapit sa akin at kunot noo akong pinagmasdan.

"Sigarilyo? Estudyante ka pa lang ah." Aniya at tinaasan ako ng kilay.

Humugot ako nang malalim na hininga saka taas noong sumagot, "Eighteen na po ako."

Muli niya akong tinitigan mula ulo hanggang bewang bago kumuha ng isang pirasong sigarilyo at pabagsak na ibinigay sa akin.

"May ligh--"

"Wala kaming lighter, alis na." Putol niya sa sinasabi ko saka ako sinenyasang lumayas.

Nagsimula na akong maglakad palayo pero nakakatatlong hakbang pa lamang ako nang maisipan kong lumingon ulit at walang pag-aalinlangang sumigaw, "Kung ayaw mong magtinda, magsara ka na lang!"

"Aba't ang tapang mo rin e 'no?!" Halatang galit niyang sabi pero inambahan ko na agad siya ng alis.

Gusto niya bang ipapulis ko siya? Pulis ang tatay ko at nandiyan lang yun sa kabilang kanto.

Badtrip na nga ako, mas lalo niya pang pinapangit ang araw ko.

Dinala ako ng mga paa ko sa pinakamalapit na mini-park. Tatlong kanto ang pagitan sa University kung saan ako pumapasok. Palubog na ang araw at malamig ang sariwang simoy ng hangin. Tinatangay tuloy ang nakalugay kong mahabang buhok.

Naghanap agad ako nang mauupuan, swerteng bakante ang lahat ng bench maliban sa nasa gitna. May nakaupo kasi roon na lalaki at naglalaro ng lighter. Paulit-ulit niya itong binubuksan at hinihipan.

Swerte ulit dahil kailangan ko ng lighter ngayon.

Pasimple akong naglakad palapit at walang sali-salitang naupo sa kaniyang tabi. Mukhang napansin niya agad ang presensiya ko kaya nilingon ko siya nang may ngiti sa aking labi.

"Pwede pasindi?" I asked in a very sweet manner.

Matagal bago siya nakasagot. Natulala pa ata sa kagandahan ko.

"S-Sige..."

Matunog niya iyong pinindot dahilan para lumabas ang maliit na apoy doon. Since hindi naman talaga ako sanay manigarilyo, itinapat ko na lamang ang dulo niyon sa apoy.

"Thanks." Nakangiti ko pa ring pasasalamat.

Isinandal ko ang aking likod sa bench at bumuntong hininga. Inosente kong tinitigan ang itsura ng sigarilyong ngayon ay unti-unti nang nababawasan ang haba.

"I don't do smoking, don't judge." Seryoso kong asik nang maramdaman ang mga matang nakatingin sa akin.

"I-I don't..." utal nitong sagot.

I chuckled as I tried to taste the cigarette. Inilabas ko agad ang usok niyon sa hangin at umaktong propesyonal sa paggamit niyon.

"This is my first time actually." Dagdag ko pa at muling tinignan ang lalaki.

Ngayon ko lang napansin na naka-university uniform din pala siya pero magkaiba kami ng pinapasukang eskwelahan.

"You wanna know why I suddenly smoked?" Tanong ko ulit at bahagyang yumuko para silipin ang kaniyang mukha. Iwas kasi ang tingin niya sa akin na parang ayaw talaga akong tignan.

"F-Feel free to tell... I-I don't do judging..." He stuttered again.

Humugot ako nang malalim na hininga atsaka muling ibinaling ang aking paningin sa umuusok na sigarilyo.

Fly High, X1 |Completed|Where stories live. Discover now