"I'm sure excited na rin silang makita ka, Raemi." Nakangiting sabi sa akin ni Daddy habang nagmamaneho pauwing Incheon.
Sa Incheon kung saan nagsimula ang lahat. Ang mga pangakong napako. Ang mga alaalang maaaring hanggang sa isip na lamang. Ang mga pangyayaring nabaon na siguro sa limot ng mga taong iniwan ko.
"Kahit hindi naman po sila excited na makita ako, ayos lang... ang mahalaga ay makita ko silang nasa mabuting kalagayan." Pilit ang ngiting sagot ko kay Daddy atsaka ako tumingin sa labas ng bintana.
Malapit na kami...
"Tinext ako kanina ni Seungbin, doon pa rin daw sila nakatira sa tabi ng dati nating bahay. Pati na rin sina Sokyung, binantayan daw nila ang bahay natin." Alam kong pinapagaan lang ni Daddy ang nararamdaman ko ngayon dahil hindi pa rin mawala sa isip ko ang ideyang iniwan ko ang dalawang taong mahalaga sakin doon.
Eight years ago, lumipat kami ni Daddy sa Seoul para sa isang tao. Kapag hindi kami lumipat doon, baka hindi na ulit namin makita ang taong yun. Sa Seoul na rin ako nag-aral at doon na rin nagtrabaho si Daddy habang kasama namin ang taong sumira sa pamilya namin noon. Isang mahabang kwento kaya hindi na ako nakapagpaalam pa sa dalawa kong bestfriend noon. Nag-iwan na lang ako ng sulat sa mailbox ng bahay nila. Pinutol ko rin ang koneksyon ko sa kanila. Hindi ko sila tinext o tinawagan at namuhay kaming payapa sa Seoul. Nakiusap ako kay Daddy na wag ring magkwento sa parents ng dalawa kong bestfriend. Naisip ko kasing mas mabuti kung magalit sila sa akin, at least hindi nila ako araw-araw na iisipin. Sa sulat na ibinigay ko, sinabi kong babalik ako agad. Eight years, eto na ata ang bagong 'agad'.
Kaya ngayon, hindi ko alam kung may babalikan pa ba ako. Kung ako ang nasa sitwasyon nila, magagalit talaga ako. Umalis ba naman ang bestfriend ko ng walang maayos na paalam. Hindi man lang nagsayang ng oras ng para magpaliwanag at bumali pa ako sa isang pangako. Kaso hindi ako sila... mabigat na desisyon ang ginawa ko. Tatanggapin ko ang anumang masakit na salitang bibitawan nilang dalawa sa akin, hihingi ako ng sorry at ipapaubaya ko na sa kanilang dalawa kung patatawarin nila ako.
"May dapat po ba akong pagsisihan, Dad?" Wala sa sarili kong tanong habang nakatingin pa rin sa labas.
"Sa tingin mo? Kasi anak, bumali ka sa isang pangako... at lumalabas na may pinaasa kang tao." Hindi ako nakasagot.
Mamaya ko pa malalaman ang totoong sagot sa katanungan ko.
Huminto na sa harap ng isang kulay puting bahay ang sasakyan namin. Memories kept on flashing. Bumaba na kami pareho ni Daddy.
"Raehyung!" Napalingon kaming dalawa sa sumigaw. Walong taon ko na silang hindi nakikita at ngayon na lang ulit.
"Seungbin!" Nagyakap silang dalawa ni Daddy.
"Naku! Napakagandang babae naman nitong si Raemi." Niyakap ako ng asawa ni Tito Seungbin.
"Thank you po." Nakangiti kong sabi. Hinanap agad ng mata ko ang anak nila pero hindi siya makita.
"May hinanda akong tanghalian sa loob, saluhan niyo muna kami." Aya ni Tita Woohye sa amin.
"Sakto at nagugutom na kami, tara na Raemi." Tinignan ko si Dad nang tawagin niya ako.
"May dadaanan lang po ako saglit, susunod na lang po ako." Paalam ko sa kanilang tatlo.
"Oh sige, sumunod ka agad ha." Tumango na lang ako atsaka sila tinalikuran.
Tumakbo ako papunta mini park ng subdivision namin. Kakahuyan na kasi ang likod nun, doon talaga ako papunta.
Kahit hinihingal ay parang nawawala ang pagod ko dahil sa lahat ng daanang tinatakbuhan ko, napakaraming alaala ang bumabalik sa akin. Isabay pa ang sariwang hangin at medyo makulimlim na panahon.
YOU ARE READING
Fly High, X1 |Completed|
FanfictionThis story is dedicated to my fellow co-OneIts. This is a compilation of one-shot stories with X1 members. Happy reading everyone! [SOON TO BE REVISED]