"B-blind what?!" Hindi ko namalayang napataas na pala ang boses ko.
Sinenyasan ako ng kaibigan ko na huminahon.
"Diba sabi mo bored na bored ka na sa buhay? Kaya eto! May kaibigan kami ni Jihyo na bored rin tulad mo. Malay mo kayo talaga diba? Walang mawawala if you try. Ano ka ba naman? Sating magtotropa, ikaw na lang ang single!" Sumimangot ako sa sinabi ni Yongbae.
"Oo nga, bes! Si Yongbae, ako at si Chaeyoung... may mga boyfriend na. Ikaw? Single pa rin! NBSB pa rin!" Gatong naman ni Jihyo.
"Twenty-one ka na ghourl, tatlong taon ka ng nasa legal age. Ano? Wala pa ring progress? Update? Development?" Dagdag pa ni Chaeyoung kaya mas lalong sumama ang mukha ko.
"Eh hindi naman kasi ako nagmamadali." Sabay-sabay silang napaface palm.
"Alam mo ghourl, tatlong taon mo ng linya yan? Ano, pati ba yan hindi magbabago?" Parang sukong suko na si Yongbae sakin.
"Pumayag ka na kasi. Kikilalanin niyo lang ang isa't isa tapos kapag nagkagustuhan, edi go na!" Bumuntong hininga ako bago irapan si Chaeyoung.
"Siguraduhin niyo lang na hindi ko aayawan yan ah." Impit silang napatili sa sagot ko.
"It's a yes ah, wala nang bawian!" Pilit akong tumango kay Jihyo.
"Alright! Gonna text my friend na pumayag ka na." Nginiwian ko si Yongbae at napailing na lamang.
From: Yongbaebae
Ghourl, Jihyo decided na sa birthday niya na lang kayo magkita. That's one week from now and I swear! He's super duper hot!
Bagsak akong sumalampak sa sofa. Sana wala akong pagsisihan sa naging desisyon ko.
From: Jihyohyo
U ready?
Hindi ko alam pero na pressure ako sa tanong niya. Ang daming thoughts na pumapasok sa isip ko, like magugustuhan kaya ako nung lalaki? Hindi kaya siya masusuka pag nagkaharap kami?
Wait--- what?! Bakit naman masusuka? Maganda naman ako, mabait, conservative. Walang kasuka-suka sa akin. Tama, think positive Yeonseo.
Sa huling pagkakataon ay sinilip ko ang aking sarili sa body mirror dito sa kwarto ko. This is a simple white cocktail dress na hanggang tuhod ko lang. Nakahigh heels din ako that is about five inch. Nakalugay ang mahaba kong buhok at may suot akong kulay puting flower crown. Well the theme of the party is flowers and every girl who will attend the party needs to wear a flower crown like this. I know it's kinda childish but this is what Jihyo wants.
Habang nagmamaneho ay panay ang buntong hininga ko. Kinakabahan ako. Super. First time kong gagawin 'to eh. Tinanggal ko na muna ang flower crown na suot ko dahil ang awkward lang.
Nag ring ang phone ko at nag flash sa screen ang pangalan ni Chaeyoung.
"Where are you na?" Tanong niya. Sobrang ingay na sa kabilang linya. Siguro nagsisimula na ang party. Pero 6:30 pa lang, 7 pm ang start eh.
"I'm on my way." Sagot ko naman.
"Alright, bilisan mo ah." Pinatay niya na ang tawag.
Paliko na sana ako nang may mag-overtake sa linya kung saan ako padiretso.. Nakapreno agad ako pero nagasgasan pa rin ang harapan ng kotse ko malapit sa ilaw.
Inis akong bumusina at mukhang napansin din ng driver sa loob ng kotseng yun na nasanggi niya ang pinakamamahal kong ferrari.
Bumaba ako at kinatok ang bintana niya. Bumaba naman siya atsaka ko lang nakita ang kaniyang kabuuan. Hot. As in.
YOU ARE READING
Fly High, X1 |Completed|
FanfictionThis story is dedicated to my fellow co-OneIts. This is a compilation of one-shot stories with X1 members. Happy reading everyone! [SOON TO BE REVISED]