|Cho Seungyoun|

94 3 0
                                    

"Table 7, French Vanilla."

"Table 9, Hazelnut."

"Table 4, Cinnamon Dolce."

Mabilis pa sa kidlat akong kumilos. Well, hindi naman literal. Mas mabilis lang talaga sa normal kong kilos. Nakakadagdag din ng bilis ang pressure dahil tatlo lang kaming nagtatrabaho.

Si Jimin ang cashier, ako ang nagtitimpla ng orders at si Seokjin ang waiter. Maliit lang naman ang Moon Cafè namin. Uhm yeah, magkasosyo kami sa negosyo. Hindi kami kumukuha ng trabahador dahil ito na rin ang business na gusto naming tatlo. Gusto naming kami ang mag-asikaso, ganon.

One month pa lang simula nang buksan namin ito. Fifteen tables lang rin ang meron kami. Every morning, marami talaga kaming customers compare tuwing gabi. Hindi lang naman mga kape ang meron dito, meron din kaming side dishes like cake and breads.

Pagsapit ng 8 am ay nagpapalitan kami ng duties. Ako na ang waitress, si Seokjin na ang cashier at si Jimin na ang tagatimpla ng orders.

"WELCOME TO MOON CAFÈ SIR!" Sabay na sabi namin ni Seokjin nang bumukas ang pinto kasabay nang pagtunog ng mga chimes na isinabit ko ron last month.

Pumila ito sa counter. Kinuha ko ang trey na inilapag ni Jimin doon kaya nakakuha ako ng pagkakataong silipin ang mukha ng lalaki. Pumasok kasi siyang naka mask at sumbrero, mamaya miyembro 'to ng sindikato at mang hostage ng customers namin or di kaya kami ang gawing hostage. Hindi ako papayag na madungisan ang pinakamamahal kong cafè.

"Huy! Table 5 yan!" Nabalik ako sa reyalidad nang pumitik si Jimin sa harap ng mukha ko.

Napatingin din tuloy sina Seokjin at 'yong lalaki sakin. Nakakahiya, nag space out ako habang nakatingin sa lalaking customer! Sana hindi niya napansin.

Kinuha ko na ang trey na may lamang Moon Cafè glass, customized lahat ng baso namin dito at babasagin para sosyal. Si Seokjin, nag suggest niyan ah. Hanggang sa platito at kutsara't tinidor ay may tatak na Moon Cafè

"Enjoy your time, ma'am!" Nakangiti kong sabi sa babae na inirapan lang ako.

Attichoda, tss.

Tinalikuran ko na siya dahil kung hindi ay baka tinusok ko ng tinidor ang bilugan niyang mata. Baka kapag siya ang inirapan ko, mabulag siya bigla. Anyways, kailangan mabait dapat sa customers.

Mas mabuting wag na lang patulan para less gulo, less hassle.

"Table 3, Caramel Macchiato and black forest cake." Sabi ni Seokjin at inabot na sakin ang trey. Kinuha ko yun at naglakad na patungo sa nasabing table.

Napahinto pa ko saglit sa paglalakad dahil ang nakaupo sa table 3 ay yung inakala kong hostage taker kanina pero malay ko naman diba, baka trip niya lang talaga magpa mysterious look ngayon kaya nakaganiyan siya. Sa susunod nga ay magpapaskil ako sa labas na bawal ang naka mask at sumbrero dito sa loob ng shop para iwas maling akala.

"Here's your order, sir!" Hindi ko inaalis ang paningin ko sa lalaki hanggang sa mailapag ko na ang mga order niya sa mesa. "Enjoy sir!" Yumuko ako sa kaniya atsaka siya tinalikuran.

Nang magalas-nwebe na ng umaga ay unti-unting humupa ang pagdating ng mga customers. Nakakuha kami nila Seokjin at Jimin ng chance na magtsismisan muna.

"Pamilyar talaga sakin 'yang lalaking 'yan." Halos pabulong na sabi ni Jimin sa amin.

"Ayos ah. Tagong tago na nga ang mukha, pamilyar pa rin sayo?"

Natawa naman ako sa banat ni Seokjin.

"Seryoso nga! Parang napanood ko na siya sa TV! Feeling ko kpop idol yan!"

Fly High, X1 |Completed|Where stories live. Discover now