|Cha Junho|

48 3 0
                                    


I'm marrying my dearest one, my life partner but you are my closest one.
I need your company.
Without you, it couldn't be a journey,
worth remembering.

Date: May 20, 2020
Venue: SaRang Church (New Harvest Ministry) Seocho-gu, Seoul
Time: 3 o'clock pm

Wala sa sarili kong itiniklop at ibinalik sa sobre ang wedding invitation na natanggap ko. Kung kanina ay tawa ako nang tawa dahil sa pinapanood kong k-drama, ngayon ay hindi ko na magawa maski ngumiti.

"Ang lakas naman ng loob mong padalhan ako nito..." Bulong ko sa hangin habang pinagmamasdan ang kulay rosas na sobre.

Damn the one who edited this lay-out. I hate it.

Itinapon ko iyon sa kung saan atsaka sumandal sa upuan. Kinapa ko ang remote sa tabi para ipagpatuloy ang panonood nang mag-ring ang phone ko.

"Oh?" Bungad ko sa tawag.

"I'm expecting you to come."

Hindi ako nakapagsalita.

Kilala ko kung sino 'to at hindi ako pwedeng magkamali. Isang taon din kaming nagsama kaya hindi madaling kalimutan kung gaano kaganda ang boses niya.

Isang taong nagsama pero dalawang taon na ang nakalilipas.

"Of course..." I managed to sound fine, kahit kabaliktaran 'nun ang nararamdaman ko. "Kasal ng pinsan ko 'yun e."

Siya naman ang hindi nakasagot.

Kahit anong pilit kong 'wag balikan ang nakaraan, parang otomatik na nagp-play sa utak ko lahat. Lahat ng sakit. Lahat ng hirap sa pagtanggap. Lahat ng nakakatangang pangyayari.

Ikakasal lang naman ang first love ko sa magaling kong pinsan.

Wala e, talo ng mga mahuhusay gumapang ang mga magaganda.

Anong magagawa ko diba? Eighteen lang ako, sila twenty-two na. Hindi ko naman kasi alam na posible palang mangyari ang ganito sa totoong buhay. 'Yung mismong kadugo mo pa talaga ang tatraydor sa'yo. Ako kasing kinse anyos na tanga ang nahulog sa diyesi-nwebeng lalaki.

"Galit ka pa rin ba?" Bigla niyang tanong.

Peke naman akong tumawa.

"Isa kang malaking--- tao." Pinigilan ko ang sarili kong murahin siya.

Hindi ko kasi maintindihan kung pinagtitripan niya ba ako or what. Sinadya niyang padalhan ako ng invitation card para sa kasal niya at ng pinsan ko. E malamang naman ay pupunta ako dahil pipilitin ako ni Tita. Hindi niya na kailangang gawin 'to. Ayoko lang sa ganitong sitwasyon. Parang ang pagkakaintindi ko kasi ay nagpapapansin siya sa akin. Natatangahan ako sa kaniya, letse.

"Sorry... Sorry Sohui." Mahina niyang usal sa kabilang linya.

"Tss, tama na ang drama. Nanonood ako." Putol ko sa kaniya. Wala na akong oras para makinig sa kadramahan niya.

"S-Sorry..."

"Ge." At pinatay ko na ang tawag.







"Daebak! Yeppeuda!" Puri sa akin ni Kelly. Bespren ko.

Pasimple akong umikot sa harap ng salamin na para bang nagm-model. My hands on my waist and I flipped my hair.

Isa lang ang nakikita ko ngayon, si Kang Sohui na maganda--

"Maganda nga, pinagpalit naman." Malamig pa sa yelong banat ni Angelie. Half bespren, half enemy ko naman.

"Kaskasin kaya kita at itapon sa Pilipinas para gawing halo-halo." Sarkastiko kong sabi at inirapan siya.

Fly High, X1 |Completed|Where stories live. Discover now