CHAPTER 21

1.3K 35 0
                                    

"Saan ba tayo pupunta?" Nakakunot-noo na tanong ko kay Uno na nagdadrive. Nakakainis lang, kasi kanina pa ako tanong ng tanong sa kaniya pero para lang akong hangin. Echapwera ang peg ko tss.

"Napipi ka na dyan? Sagot din pag may time." Pabalang kong sabi sa kaniya nang hindi parin ito sumasagot.

I heaved a deep sigh.

I felt defeated. Fine hindi na ako magsasalita. Humalukipkip nalang ako at hinarap siya. Tinitigan ko ito ng mga ilang minuto at sinusuri ang bawat kilos nito. Napansin ko namang bigla siyang nailang. Umigting ang mga panga nito at hindi mapakali ang mga mata niya na sinusulyap sulyapan ako. Ano na naman bang problema niya?

Napasigaw nalang ako nang walang pahabas niyang inihinto ang sasakyan. Muntik ko nang mahalikan 'yung wind shield, mabuti nalang at may seat belt.

"Plano mo ba akong patayin?!" Bulyaw ko sa kaniya dahil sa pagkabigla.

"If you don't wanna die then quit staring at me. I'm driving for heaven's sake!" Wika niya.

"Malay ko bang may epekto pala ang mga titig ko sayo." Bulong ko sa sarili at inayos ang pagka-upo. Hindi naman kasi nagsabi na nadidistract pala siya kapag tinitigan ko. Ito talagang si Uno, may crush rin to sakin, ayaw pang umamin.

"Tss." Tanging saad niya at muling pinaharurot ang kotse. Napakagat labi nalang ako at itinuon ang atensiyon sa daan nang bigla na naman niyang tinapakan ang break. Bahagyang natanggal ang eyeglasses ko kaya inayos ko kaagad ito. Muntik na naman akong atakihin sa puso dahil sa ginawa niya.

"Putragis naman oh, ano bang trip mo ha?" Naiirata ko siyang binalingan. Nakita kong napahigpit ang paghawak niya sa manobela.

"Don't bite your lips." He said with his stoic face at me. Napataas ang isa kong kilay.

"Bakit? Nadidistract ka na naman ba?"

"Hell yes! Ang panget mo tingnan, mukha kang engot." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Wtf? Me? Engot? I darted a death glare at him saka ibinalang ang atensiyon sa labas ng bintana. Wala ako sa mood para patulan 'yang kawalang hiya niya.

*****

Dinala niya ako sa isang botique slash salon na pagmamay-ari kuno ni auntie Feli. Pumasok kami sa loob at ang nakakairita na mukha ni Frizzy ang sumalubong sa amin.

"Hey baby." Malanding bati niya kay Uno at hinalikan ito sa pisngi. Agad nagdilim ang paningin ko dahil sa ginawa niya. That bitch is really getting into my nerves!
Good thing at mahina siyang tinulak ni Uno para umiwas. Nasilayan ko ang pagkadismaya sa mukha niya kaya napangisi nalang ako. Serves her right.

"What brought you here?" Wika niya saka tinapunan ako ng irap. Tsk ang sarap dukutin ng eyeballs niya.

"We will be attending a party this evening and I want you to fix her," wika ni Uno saka tiningnan ako. So ito pala ang dahilan kung bakit niya ako dinala dito. Frizzy stared at me from head to toe with one eyebrow acred.

"This will be difficult. Are you sure? I can go with you instead." She stated as if wala na akong pag-asang gumanda pa. Like wtf? Maganda naman ako ah. Bulag ata 'tong isang to.

This bitch.

"Ako na nga yung kasama diba, bakit mo pa ipipilit 'yang sarili mo?" Usal ko sa kaniya na punong-puno ng sarkasmo at tsaka kumapit sa braso ni Uno. I'm a bitch too, if you're not informed.

Napanganga si Frizzy dahil sa sinabi ko. I grinned at her na mas lalong ikina-inis niya.

"You witch-"

Susugurin na sana niya ako nang biglang hawakan ni Uno ang aking palapulsuhan at hinigit ako paalis sa harapan ni Frizzy.
"You're wasting time." Saad nito. Tiningnan ko ang kaniyang itsura ay halatang naiinip na nga siya.
Nilingon ko nalang ang bruha at binelatan nito.

Twisted FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon