GAYNA: EPISODE 12

93 3 1
                                    

Madilim at parang napunta sa ibang dimensyon si Nagay pagsarado ng pinto ng banyo. Pakiramdam nya sya ay lumulutang at nasa gitna ng kawalan

Patuloy ang pagtawag sa kanya ng boses...

Maya maya isang liwanag na parang alitaptap ang lumabas sa harap ni Gayna. Nasa tapat ito ng kanyang mukha at lumulutang lutang.

"Nasaan ako? Sino ka?" takot na tanong ni Nagay sa tinig.

"Aketchiwa si Orita... Ang trulili mong mudra!" sagot nito.

Hindi parin naniniwala si Nagay.

"Ako tigil-tigilan mo ako ha? Napipikon na ako!" galit na sabi nito sa tinig.

Ngunit nagsalitang muli ang tinig.

"Masyogal na tayech wiz nag ka join force akenbang junakiz..."

Magsasalita pa sana ang tinig ng biglang me kumatok sa pintuan. Bumagsak si Nagay sa sahig ng banyo. Dumating na ang kanyang Inay Cynthia.

"Anak?" pagtawag ni Cynthia habang kinakatok ang pintuan ng banyo.

Ngunit hindi tumutugon si Nagay.

Kinabahan si Cynthia kaya tinulak nya ang pinto at nabuwal ito. Tumama ang pinto sa ulo ng papatayong si Nagay. Nawalan ito ng malay.

Nataranta si Cynthia at humingi ito ng tulong sa kapit bahay.

"Tulong! Tulong! Mga kapit-bahay!" sigaw ni Cynthia.

Ilang saglit lang, pinagtulungang buhatin ng mga kapit-bahay si Nagay at dinala ito sa ospital.

GAYNA! ANG SUPERHERONG NAKAPAA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon