GAYNA: EPISODE 13

91 3 0
                                    

Habang itinatakbo si Nagay sa ospital, patuloy syang kinausap ni Orita sa kanyang panaginip.

"Junakis ketch, akechiwa ang trulili mong mudrabels, Orita ang neymsung ketch... Ikaw, ay witchels utaw. Ka fez mo lang sila."

Kinabahan si Nagay.

"Hindi ako naniniwala sayo! Ang Nanay ko ay tao... Anak ako ni Cynthia at Lando!"

Ngumiti si Orita.

"Ang neymsung ng trulili mong fudir ay Tunisio... Taga jlonetang Oros, siudad ng Kopas... Kung wiz ka paring convince sa aketch, isyonong mo ning kay Cynthia na nakajulot sayo..."

Napatigil si Nagay at nagtanong...

"Kung totoo man ang sinasabi mo? Bakit sa tagal ng panahon, ngayon ka lang nagparamdam?"

Sumagot si Orita.

"Me jumindot ng buttonetch ng nyispeyship na nag bring sayecth dyan... Na nyoktivate nitey ang telepathic keme na magkukunek sa aketch at sayetch. Makakapagchikahan tayes sa jisip, bet ko lang din ma knows kung jinojuot mo parin ba ang jwintas?"

Magtataka si Nagay.

"Anong kwintas? At saka bat ka ba ganyang magsalita? Taga ibang planeta ka ba talaga o taga kabilang parlor? Mas bakla ka pa sakin!

Sumagot si Orita...

"Ang jwintas nayun ang mag ki keepsi ng jibayo mong jokas. Jinuot ko un sayo para wit nilang ma knows ang iyong powers. Para ma maintain ang iyong normalness. Without that, jikaw ay magiging nyombihira. Jijitaw ang napakajukas na ikaw, jojongaan ka ng everyone nyoti na ng sangkabaklaan! Makikilala ka bilang si Gayna! Ang superherong nakapaa!"

Biglang napadilat si Nagay. Nakita nya ang sarili na nakahiga sa isang ospital.

GAYNA! ANG SUPERHERONG NAKAPAA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon