2nd Month Episode 1

35 0 0
                                    

Pumasok si Cynthia sa kanilang bahay, nagulat sya na andun si Nagay sa loob.

" Anak? Andyan ka pala?"

Hindi kumibo si Nagay, hanggang ngayon hindi parin sya makapaniwala. Nagawa nyang iligtas sa tiyak na kapahamakan ang mga tao kanina sa banko. Naiiyak sya sa saya.

"Napanuod mo ba ang balita kanina anak? Nagkagulo pala kanina dyan sa banko sa may plaza. Ang nakakagulat, nabigo ang mga nanloob na ma holdup yung banko paano ba naman, may pumigil sa kanila. Si Gayna... Ang superherong nakapaa! Mantakin mo yun! Me ganun pala!"

Patuloy parin sa pag-iyak si Nagay. Napansin ito ng kanyang ina. Umupo ito sa kanyang tabi.

"Anong nangyayari sayo?"

Sumagot si Nagay.

"Ako si Gayna!"

Hindi makapaniwala ang ina sa narinig.

"Totoo?" pagtataka ni Cynthia.

Bumangon si Nagay sa kama. Tumayo ito sa harap at sumigaw.

"GAYNA!!!"

Nagbago ang anyo ni Nagay. Naging sya si Gayna.

Gulat at tuwa naman ang naramdaman ni Cynthia.

"Ang galing isa pa!" sambit nito.

Sumigaw ulit si Gayna.

"NAGAY!!!"

Nagbalik sa pagiging normal na Nagay si Gayna.

Nagrequest si Cynthia.

"Try mo nga Gayna Gayna!" pakiusap nito sa anak.

Sumigaw ulit si Nagay.

"Gayna Ganya!"

Tumambad ang hubad na katawan ni Nagay sa ina.

Napatili si Cynthia, sabay takbo naman si Nagay sa banyo.

GAYNA! ANG SUPERHERONG NAKAPAA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon