GAYNA: EPISODE 14

74 2 0
                                    

Tumingin sa paligid ng kwarto ng ospital si Nagay. Nakita nya ang kanyang Inay Cynthia na nakangiti sa kanya.

"Anong nangyayari sayo?" tanong ni Cynthia kay Nagay.

Nangilid ang luha ng bakla.

"O bakit ka umiiyak anak?"

Tumingin sa may bintana si Nagay sabay nagsalita.

"Natatakot ako Inay. Natatakot ako na magtanong at malaman ang katotohanan. Kung sino ako, kung ano ako, kung saan ako galing..."

Magtataka si Cynthia.

"Anong sinasabi mo? Hindi kita maintindihan?"

Titignan ni Nagay ang kanyang inay.

"Wag ka ng magsinungaling inay. Alam ko, ramdam ko, kahit nung bata pa ako na hindi mo ako tunay na anak..." pahikbing sabi ni Nagay sa ina.

Matitigilan si Cynthia.

"Sinong nagsabi sayo nyan?" tanong ni Cynthia.

Tumingin ulit si Nagay sa may bintana.

"Si Orita... Ang aking totoong ina!" pagtatapat ni Nagay.

"Magtapat kayo sakin Inay... Sino ba ako?"

Tumayo si Cynthia at pumunta sa may bintana.

"Gusto mong malaman kung sino ka? Ikaw ang sagot sa aming dasal ng Tatay Lando mo. Hulog ka samin ng langit. Binagay at binigay para magkaroon kami ng anak. Ikaw ang sanggol na nagmula sa kalawakan, ang batang pinalaki, inalagaan at tinuring na tunay na anak namin. Iyun ka Nagay, yun ka!"

Napaupo si Nagay sa kama at itinaas ang kamay, inaalok ang kanyang inay na sya ay yakapin at ganun nga ang ginawa ni Cynthia. Lumapit sya kay Nagay at sila ay nagyakapan.

GAYNA! ANG SUPERHERONG NAKAPAA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon