GAYNA: EPISODE 27

41 1 0
                                    

Hingal na hingal si Nagay kakatakbo makalayo lang agad sa coffeeshop na pinanggalingan. Sa di kalayuan nakakita sya ng isang construction site.

"Wanted: Construction Worker"

Huminga ng malalim si Nagay at umastang lalake. Maya-maya lang nakita sya ng mga lalakeng nagtatrabaho sa site.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong nito sa kanila.

"Mag a apply po!" matigas na sagot ni Nagay.

"Mag-a apply? Kaya mo bang magbuhat ng hollow blocks?" tanong sa kanya.

"Yes sir!"

Ibinigay ng lalake kay Nagay ang mga hollow blocks at kahit na patong-patong ito, pinilit nyang kayanin.

"Kaya mo bang maghalo ng semento?"

"Opo Kuya, kaya kong maghalo ng semento!" sagot ni Nagay.

At naghalo na nga ng semento si Nagay.

Pagod na pagod si Nagay kaka paro't parito. Feeling nya, sinusubok ang kakayahan nya ng lalake.

At ng natapos ni Nagay ang kanyang gawain.

"Ito ang huli mong pagsubok, ipanhik mo ang dalawang balde ng tubig duon sa taas."

Tinignan ni Nagay ang building at mapapansin nyang me kataasan ito.

"Pwede muna po ba akong kumain?" tanong nya sa lalake.

"Hindi pwede! Dalhin mo na yan!"

Dali-daling binitbit ni Nagay ang dalawang timbang tubig at ng narating na nya ang itaas nagulat sya sa nakita.

Me isang napakagwapong lalake ang nakatingin sa kanya.

"Gagamitin mo ba yang tubig? Ang init kasi, maliligo sana ako..."

Hindi nakapagsalita si Nagay. Iniabot nya ang dalawang timbang tubig sa kanya.

"Salamat ha?"

At naligo ang lalake habang nanduon si Nagay na naging dahilan kung bakit hindi sya natanggap sa construction.

GAYNA! ANG SUPERHERONG NAKAPAA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon