Hindi naman napano si Nagay sa nangyari at yun ang kinataka ng kanyang Inay Cynthia.
"Bakit para atang lalo ka pang sumigla matapos mong makuryente." puna ni Inay Cynthia.
"Hindi ko din alam Nay. Infairness para nga akong lumakas." sagot ni Nagay.
"Eh kung alam lang natin na pundido na pala yung bumbilyang gamit natin di sana di ka nakuryente." dugtong pa ni Inay Cynthia.
Kinuha nito ang bagong bumbilya at inabot kay Nagay.
"Ito anak, palitan mo na yang pundido nitong bago." utos nito sa anak.
Ng kunin ni Nagay ang bumbilya at hawakan ang ilalim nito, laking gulat ng dalawa ng ito ay biglang lumiwanag.
"Inay!" sambit ni Nagay.
"Dyos ko anak! Punong puno ka ng hiwaga!" pagulat na sabi ni Cynthia.
"Oo inay! Mukhang makakamenos na tayo ng singil sa kuryente pag nagkataon!" pabirong sabi ni Nagay dito.
"Tama ka! Pero ilang bultahe ka kaya? 110 o 220?" seryosong tanong sa kanya ng ina.
Natawa na lang si Nagay.
BINABASA MO ANG
GAYNA! ANG SUPERHERONG NAKAPAA!
FantasySubaybayan ang aking unang Fantasy/Adventure na suma Sci-Fi rin na kwento tungkol kay Nagey! Starring Ate Gay sa kanyang pagyakap bilang si Gayna! Ang Super-Herong Nakapaa! DISCLAIMER Ang istoryang ito ay unang lumabas sa Instagram. Ito ay aking ori...