Nakita ni Nagay na may nakasabit na Wanted: Beautician sa pinto ng isang Salon.
Pumasok ito sa loob at nag-apply...
"Magandang umaga po." bati ni Nagay sa isang baklang di kagandahan na wala pang customer.
"Magpapagupit ka te?" sagot ng bakla.
"Mag-a-apply po sana!?" sagot ni Nagay.
Tatawa ang bakla.
"Hahaha! Day, nabasa mo ba yung nakalagay sa labas. Sabi dun "Wanted: Beautician. Eh sa suot mong yan mukha kang Magician!" pabirong sabi nito.
Hindi makakasagot si Nagay.
Magtatanong ulit ang bakla.
"Marunong ka bang magupit? Mag makeup? Mag blower? Mag plantsa? Mag rebond? Mag pedicure? Mag manicure? In short... MAGPAGANDA???"
Sasagot si Nagay.
"Marunong po akong makinig, marunong din po akong matuto at higit sa lahat marunong po akong makisama."
Maloloka ang bakla.
"Hindi ito training center ning! Ang hinahanap namin ay professional beautician!"
Magsasalita si Nagay.
"Beautician ka po pala"
Sasagot ang bakla.
"Oo... Bakit?"
"Kasi ang pagpapaganda, parang pagbibigay ng payo yan. Napakadaling ibigay sa iba, napakahirap i apply sa sarili. Sige ho, alis na po ako" sabay labas ni Nagay sa salon.
Huli na ng maintindihan ng bakla ang ibig nyang sabihin.
BINABASA MO ANG
GAYNA! ANG SUPERHERONG NAKAPAA!
FantasySubaybayan ang aking unang Fantasy/Adventure na suma Sci-Fi rin na kwento tungkol kay Nagey! Starring Ate Gay sa kanyang pagyakap bilang si Gayna! Ang Super-Herong Nakapaa! DISCLAIMER Ang istoryang ito ay unang lumabas sa Instagram. Ito ay aking ori...