GAYNA: EPISODE 25

53 2 0
                                    

Malungkot na lumabas si Nagay sa Call Center. Mabagal syang naglalakad at nagsasalitang mag-isa.

"Thank you... Come again..." Paulit-ulit nyang sinasabi ang linyang iyon at sa bawat ulit, paiba-iba sya ng bitaw. Nang mapansin nyang para na siyang baliw, tumigil sya sabay tanong sa sarili... "Tama naman yung sinabi ko diba?"

Narinig niya ulit sa isip niya yung boses ni Chelsea. "Don't call us... We'll call you!" Paulit-ulit ang linya na parang alingawngaw sa utak nya.

"Etchusera!" sigaw ni Nagay. "Paano mo ako tatawagan, eh di mo naman kinuha ang number ko?!"

Puro boses na lang ni Nagay ang maririnig.

"Darating ang araw... Wala kayong tatawagan kundi ang pangalan ko!"

"Oo tama! Tawag kayo ng tawag pero di ko kayo papansinin dahil busy ako! Hahaha!"

Matitigilan si Nagay...

"Ano ba ito? Nababaliw na yata ako? Kinakausap ko na ang sarili ko. Pagod lang siguro ito... O gutom? Kaya mo ito Nagay... Kalma ka lang!"

Napatigil sya sa tapat ng isang coffee shop. Biglang me tatawag sa pangalan nya...

GAYNA! ANG SUPERHERONG NAKAPAA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon