A.S.A.N.
Asian Science of Aeronotics Network.Matagal ng napasakamay ng pribadong kumpanyang ito ang sasakyan ni Nagay simula ng nadiskubre itong nakabaon sa isang bukirin sa isang probinsya malapit sa Maynila. Mahigit tatlumpung taon na nilang pinag aaralan kung saang galaxy sa universe ito galing. Ito nga ay kinokonekta nila sa natagpuang active wormhole na nabuo malapit sa planetang Saturn.
Panahon pa lang ng Pangulong Marcos, ipinag-utos na nito ang pagsaliksik sa katangian ng natagpuang spacecraft. Saan ito gawa? Anong klaseng metal? Paano ito nakalilipad? Anong nakalagay sa loob nito at bakit ito dumating sa ating daigdig.
Pero lumipas ang maraming taon, nanatiling isang malaking kwestyon ang nadiskubreng interstellar vehicle. Nawalan na din ng interest na magbigay pa ng puhunan ang A.S.A.N. sa pagsasaliksik sa nasabing spacecraft.
Ngunit magmula ng aksidente mapindot ni Dr. Flores ang button na nagpailaw sa sasakyan ni Nagay. Unti-unting nagkakaroon ng liwanag ang mga katanungan at mga agam-agam na matagal ng nagdilim sa kanyang isipan.
BINABASA MO ANG
GAYNA! ANG SUPERHERONG NAKAPAA!
FantasySubaybayan ang aking unang Fantasy/Adventure na suma Sci-Fi rin na kwento tungkol kay Nagey! Starring Ate Gay sa kanyang pagyakap bilang si Gayna! Ang Super-Herong Nakapaa! DISCLAIMER Ang istoryang ito ay unang lumabas sa Instagram. Ito ay aking ori...