Nang naabot na nito ang labas ng planeta, mula sa harapan ng sasakyan, isang beam ang lumabas, animo'y nabutas at nagkaroon ng lagusan ang harapan nito, hinigop nito ang sasakyan kasabay ng isang nakakasilaw na liwanag! Sa isang iglap, naglaho ang sasakyang pangkalawakan.
Samantala, sa ating daigdig...
Walang tigil ang ulan.
Sa gitna ng bukid ay isang simpleng bahay na tinitirhan ng mag-asawang Cynthia at Lando.
Naglalaba si Cynthia sa may likod bahay, mula sa loob ng bahay ay lalabas si Lando at tatawagin ang asawa.
"Magpahinga ka naman..." sabi nito kay Cynthia.
Isang matamis na ngiti ang sagot ng asawa dito.
"Tapos na ako dito. Sandali lang at maghahain na ako ng ating hapunan."
Tumayo si Cynthia at inakbayan sya ni Lando papasok ng kanilang bahay.
Mula naman sa labas ng mundo...
Isang liwanag ang nabubuo, mula dito lalabas ang sasakyang lulan ng anak nina Orita at Tunisio. Papasok ito sa ating daigdig.
BINABASA MO ANG
GAYNA! ANG SUPERHERONG NAKAPAA!
FantasySubaybayan ang aking unang Fantasy/Adventure na suma Sci-Fi rin na kwento tungkol kay Nagey! Starring Ate Gay sa kanyang pagyakap bilang si Gayna! Ang Super-Herong Nakapaa! DISCLAIMER Ang istoryang ito ay unang lumabas sa Instagram. Ito ay aking ori...