C H A P T E R 15
NAGISING ako ng makarinig na sigaw. Khalie? I assure that is Khalie's voice. Mabilis kong hinawi ang kumot ang tinakbo ang distansya ng pintuan.
Hawak ko ang doorknob ngunit hindi ko pa ito binuksan. Pinakinggan kong mabuti ang loob pero tahimik lang.
Pinihit ko na ito at naglakas-loob na sumilip. I saw Khalie, sitting on his bed and catching his breath. Mabilis siyang napatingin sa gawi ko.
"K-khalie..." pinuntahan ko kaagad siya ng makitang pinagpapawisan siya. "A-anong nangyari sayo? Binangungot ka ba?" nakatingin lang siya sa akin. Umupo ako sa tabi niya. Ngayon ko lang napagtanto na sobrang dilim ang kwarto niya pero dahil sa nakabukas ang kanyang bintana at sa liwanag ng buwan, nakatulong ito sa paningin ko.
Dinig ko ang mabilis na paghinga niya. Ramdam ko din ang panginginig ng kanyang katawan. Hindi ako nagdalawang isip na yakapin siya.
I hugged him. Nakagat ko ang labi ko ng maramdaman na wala siyang saplot pang-itaas.
Ano ba naman Heaven, pokpok lang?
"Ang sabi ng matatanda kapag masama daw ang panaginip mo, mainam na sabihin o ikwento mo sa tao na handang makinig sayo..."
He's silent.
"Alam kong wala akong karapatan pero ano ba ang masamang napaginipan mo?"
Naramdaman kong niyakap niya ako pabalik, mahigpit. Hindi ko alintana ang walang suot na panloob. May nangyari na din naman sa amin, komportable ang katawan ko sa kanya.
"Y-y-you left me... You h-hatred me..."
Saglit kong naitigil ang paghinga. Is that his dream? Hindi ko alam bakit parang kinabahan din ako bigla. I left him, for what reason? I hatred him, why?
"P-panaginip lang iyon Khalie. Okay? Matulog ka na ulit..." hihiwalay na sana ako sa yakap ng hinigpitan niya pa ang yakap sa akin, naiipit ang maliit kong katawan sa kanya.
"Paano k-k-kung iwan mo nga ako? Paano kung totoo lahat ng panaginip ko? Baby, I can't." he whispered.
I'm trying my best to not cry. Gusto kong maramdaman niya kung paano maging matatag. Kung parehas lang kami magiging mahina, sino sa amin ang lalaban?
Napabuntong-hininga ako. "I will stay with you, Khalie..." humiwalay ako sa yakap at tinitigan siya "Huwag mo lang ako ulit sasaktan dahil hindi ko na makokontrol ang magiging desisyon ko..." hinimas ko ang buhok niya. Bumagsak ang mukha niya balikat ko na tila pagod na pagod.
"Go back to sleep."
"Sleep beside me..." he said.
Gusto ko magprotesta pero dahil sa kalagayan niya. Tumango na lang ako at inalalayan siyang bumalik sa kanyang higaan. Inayos ko ang kumot bago humiga sa tabi niya.
Sinubukan kong bigyan ng distansya ang aming katawan pero lumapit si Khalie sa akin at niyakap ako. His arms, is in my waist and his face, to my neck.
Pinabayaan ko na lang ito at hinimas ang buhok nito. "Goodnight again, Khalie." I whispered.
"Don't leave me, baby. Please."
"Sshh.." pagtatahimik ko.
I could almost feel his breathing to my neck. Inayos ko ang kumot na bumabalot sa aming katawan at ipinikit na aking mata. Tuluyan na rin akong nakatulog.
Kinaumagahan, nagising ako ng alas-sais. Alas-nwebe ang oras ng trabaho ko. Kailangan ko pa rin na umuwi sa bahay, nag-alala na siguro sila Mama. Nagising lang ako dahil sa mabangong amoy. Wala si Khalie sa kama. Siguradong siya ang nasa kusina.
Sabi niya gigisingin niya ako ng maaga? Wala ata siyang balak. Kaya ako na lang ang gumising sa sarili ko.
Bumangon ako at pumunta sa banyo. Ginawa ang morning routine bago bumaba. Pinalitan ko lang ang pang-ibaba ko. Nakahanap ako kagabi sa cabinet ng sweater pants at isang black tshirt.
Pagkababa ko ay nagkatinginan kami ni Khalie. He smiled at me, I did.
"Morning... Gigisingin na dapat kita pagkatapos kong magluto pero naunahan mo ako." he laughed.
Ngayon ko lang ulit narinig ang tawa niya. Bungad sa umaga ang nakakahawa nitong ngiti na dahilan ng pagngiti ko.
"Nagising lang talaga ako sa amoy ng toasted bread..." naglakad na ako papuntang lamesa at natakam kaagad sa almusal na hinain niya. Bago ko pa maiatras ang upuan ay naunahan na niya ako.
I smiled at him "Thank you." at tsaka na siya umikot sa kabila. Sinalinan niya rin ako ng tubig. Ininom ko kaagad ito.
Nagsimula na kaming kumain ng tahimik pero hindi pa rin mawala sa isipan ko ang pangyayari kagabi.
"Last night..." paninimula ko. I bit my lower lip. "Iyon ba talaga ang napaginipan mo?"
Natigilan siya sa pagnguya. Uminom muna siya ng tubig bago tumingin sa akin at sumagot.
"Everynight, Heaven."
Ako naman ang natigilan sa sinabi niya. "Ha? E-everynight? As in, gabi-gabi?"
I can't find my own words. Shit.
He nodded. Nagpatuloy ulit siya sa kanyang pagkain. Sa mga panahon na ganoon ang sitwasyon niya, Is there someone comforted him? Is that Ysabelle did what I did to him last night?
Nilakasan ko na ang loob ko.
"S-sino nga pala si Ysabelle?"
Naitigil niya ang pagnguya muli. Inangat niya ang kanyang tingin. Mas lalo akong kinabahan ng may makita sa kanyang mga mata. Na hindi ko maipaliwanag kung ano iyon.
He stared at me for too long.
"S-she's my f—" then suddenly his cell phone rang. "Excuse me..." sinagot niya ang tawag at tumingin sa akin.
"Yes, she's with me...Ihahatid ko na lang siya sa inyo...No...No problem, Bye.." doon natapos ang tawag. Sila Mama siguro iyon.
"Hinahanap ka na sa inyo." iyon lang ang tangi niyang sinabi pero hindi pa rin niya sinasagot ang tanong ko kanina.
There's something inside of me that I want to know but I'm scared. And it makes me nervous all the time thinking that girl Ysabelle, is someone who has a deep connection to Khalie.
BINABASA MO ANG
Dominant Lover (Burning Touch Series 6) ✔
FanfictionKhalie Payen Ludkiviel, a businessman who has a dominant aura. No one, even woman can make his knees kneel down to the floor. This girl named Heaven Thalie DelaCruz hate him so much but Khalie is playfully attracted to her. He wants her but she loat...