C H A P T E R 18
NANLAKI ang aking mata sa narinig.
"May bahay ka pala dito?" tanong ko. Humigpit ang hawak ko sa braso niya ng makitang tinitingnan siya ng mga babae.
Alam kong gwapo si Khalie. Tusukin ko 'yang mga mata niyo eh. Ang harot.
Pagbaba pa lang ng eroplano ay nahawakan ko na kaagad ang braso niya, hindi ako familiar sa bansang ito.
Siya na rin ang nagdala ng mga bagahe, may backpack rin siya sa likod. He's wearing a V-neck dark blue t-shirt, ripped faded jeans and black shoes.
Hawak ko naman ang shoulder bag ko. I'm just wearing a simple white-tshirt, black shorts and red converse shoes.
Naglalakad palang kami palabas ng airport ay pinagtitinginan na siya ng mga babaeng turista.
Well, he's hot and fine. Not skinny but a lean body. Malakas lang talaga ang sex appeal ng mokong na ito.
He laughed. Nilingon ko siya at kitang-kita ko ang malaking ngisi niya. Pakiramdam ko pinagkakaisahan ako, nainis pa ako lalo.
"Gusto mo sapakin ko mukha mo?" pag-aamba ko sa kanya. Tinaas ko ang kamao ko. Binaba ko rin ito ng makitang masama ang tingin sa akin ng mga babae.
Sila na lang kaya?
Inirapan ko sila at hinila paalis si Khalie. Nagpatianod naman siya at wala akong pakialam kung may dala siyang mabigat na bagahe. Naiirita na ako.
"Calm down, baby" he laughed.
Hindi ko iyon pinansin. Pagkalabas namin sa airport doon ko siya binitawan at naghintay na lang ng taxi. Ramdam kong tumabi siya sa akin.
Saglit ko siyang tiningnan, nandoon pa rin yung ngisi niya.
"Jealous, huh?"
"Paano 'pag sinabi kong Oo, ano gagawin mo?! Nakakainis."
Siya na mismo ang nagpara ng taxi. Binalewala ko ang pagsusungit ko. Binuksan ko ang pintuan at pumasok na sa loob. Tinulungan niya ang driver sa pagpasok ng bagahe sa likod.
Pagkapasok niya ay hinawakan niya ang kamay ko. Aalisin ko sana iyon, mas lalo lang niya hinigpitan.
"Huwag mo nga akong hawa—" he kissed me. Tinakpan ko ang bibig ko at tumingin sa driver na diretso lang ang tingin. "Masyado kang PDA!" bulong ko sa kanya.
"Gusto kong makita nila na, sayo ako. Sa akin ka. Wala namang masama na gusto ko lang ipamukha sa lahat na mahal kita."
Damn, Khalie!
Tumingin ako sa labas ng bintana at impit na tumili. Hawak pa rin niya ang kamay ko, hinahaplos pa ang palad.
Ilang sandali pa ay gulat kong tiningnan ang labas. Punong-puno ng kulay berde ang kapaligiran. Maraming puno! Ang malalaki at matatayog na bundok!
"Wow!" manghang saad ko. Nilingon ko si Khalie na nakatingin sa akin. Mabilis kong ibinalik ang tingin ko sa labas. Pinindot ang button, dahilan ng pagbaba ng bintana.
Sariwang hangin ang nalanghap ko. Inilabas ko pa ang ulo ko. "Woooh!" ang sarap sa pakiramdam.
"Be careful, baby." dinig kong sabi ni Khalie. Hindi ko iyon pinansin at ini-enjoy ang pagtingin sa tanawin.
Tumigil ang sasakyan sa tapat ng malaking bahay. Khalie's house. Sabay kaming bumaba. Hinintay ko pa mailabas lahat ng bagahe, pagkatapos ay nagpasalamat sa driver.
"Finally, I can feel the peace!" he said. Bumaling siya sa akin. "Let's go?" hinawakan niya ang kamay ko. Nakagat ko tuloy ang labi ko dahil sa kilig at saya.
Tsansing ka na ah, madami na.
Maaliwalas at malinis ang loob ng bahay na parang alagang-alaga talaga. Inilibot ko ang kabuuan sa bahay habang paakyat kami sa circular stairs.
Bumitaw ako sa pagkakahawak ng makitang mas maganda ang tanawin sa taas.I can see the mountains and trees outside of a large glass window. I walk to the terrace.
This is perfect! Ang ganda sa mata at nakakaalis ng pagod.
I felt a warm arms wrapped in my waist. He put his chin to my shoulder. Sinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya. Gusto kong namnamin ang bawat segundo na kasama ko siya.
"You like it?" he asked. .
"No, I love it!" I corrected him.
"Good to hear."
Ilang minuto pa kaming nanatili doon. Nagpasya lang kaming umalis ng maramdaman ang lamig. Hinawakan niya ulit ang kamay ko.
"Nasaan ang mga bagahe natin?"
"Already in our room."
I nodded. Our room...Our... What?!
"Isa lang ang room dito?!"
"Hmm..."
"What the—"
Tumigil kami sa isang kwarto, ito na ata iyon. Nakabukas ito at nakita ko ang mga bagahe sa gilid ng isang cabinet.
"Why?" he step forward "Natatakot ka ba na..." lumapit pa siya lalo, di ko magawang umatras dahil nakasandal na ako. He closed the distance between us "may gagawa tayo na milagro gabi-gabi?" he whispered.
Mamma mia!
Dahil sa kaba naitulak ko siya. Diretso akong pumasok sa loob at pumunta sa maleta ko para maayos ito. I heard his footsteps and the bed shrinks. Nakatalikod kasi ako sa kanya pero alam kong nakaupo siya sa kama.
I can feel his stare even when I'm not facing him.
"Pupunta nga pala sa tayo sa Market, malapit sa isang beach. Baka may magustuhan ka doon na bilhin."
"O-okay..." nakagat ko ang labi ko ng mautal ako. Gago ka talaga Khalie! Narinig ko ang paghalakhak niya. Gustong-gusto niya talaga ako inaasar.
Kinuha ko ang peach summer long dress at mga undergarments ko. Dire-diretso akong pumasok sa banyo, bago ko pa tuluyan maisara ang pinto nakita kong kumindat ito sa akin. I rolled my eyes to him. Padabog kong sinarado ang pinto.
"May magagawa tayo na milagro gabi-gabi..."
Pinalo ko ang noo ko para mawala ang sinabi ni Khalie kanina. Bakit imbis na kabahan ako ay nakukuha ko pang maramdaman ang excitement?
Shit, this is not good!
Alas-kwatro ng dumating kami sa market na sinasabi niya. Dagsa ang tao, marami ang namimili. Siksikan din. Nasa kaliwang bahagi naman nito ang beach na nakikita ko. Sa tingin ko ay malayo iyon puntahan.
"Do you want to go there?" nalihis ang tingin ko kay Khalie na tinitingnan pala ako kanina pa. "But, it will takes 4 hours..."
Ganon pala kalayo. Malawak siguro ang dagat kaya kitang-kita dito. Medyo may kataasan rin ang market na pinuntahan namin. Hindi naman delikado. Aakyat ka nga lang sa hagdan ng isang mababang bundok bago ka makarating.
Ito lang kasi ang malapit.
The clothes are cheap but has a good quality. Kind of long and thick silk. Hindi ko na alam kung ilang oras na kami nandito ni Khalie, basta sumusunod lang siya sa akin.
Habang naglalakad, may isang lalaki ang bumangga sa balikat ko. Nilingon ko ito pero kumindat lang siya.
Tangina, ganito pala ang landian dito?
May isang kamay ang humawak sa beywang ko at hinapit ako palapit sa katawan niya. It's him."Siksikan." madiin niyang sabi. He grip my waist. Nagpatuloy ulit kami sa paglalakad. Hindi mawala ang ngiti sa labi ko, alam kong nakita niya iyon.
Selos lang eh. Tiningnan ko ito. Shit, magkasalubong ang kilay at madiin ang titig niya. Also, his jaw clenched
"Don't smile, Heaven. Di ako natutuwa."
Asus. Natawa ako.
He stopped walking, so I did. Mas humigpit ang hawak niya sa beywang ko at lumapit sa tainga ko para ibulong ang mga salitang kumiliti sa kaloob-looban ko.
"I will give your punishment later, baby. Makakatikim ka sa akin."
BINABASA MO ANG
Dominant Lover (Burning Touch Series 6) ✔
FanfictionKhalie Payen Ludkiviel, a businessman who has a dominant aura. No one, even woman can make his knees kneel down to the floor. This girl named Heaven Thalie DelaCruz hate him so much but Khalie is playfully attracted to her. He wants her but she loat...