CHAPTER 25

2.5K 50 0
                                    

C H A P T E R  25

ISANG malakas na batok ang natanggap ko sa anim kong kaibigan.

"Aray ko naman! Duh, buntis ako! Bakit niyo ako binabatukan, kayo talaga ang sisihin ko kapag nalaglag anak ko ah." pananakot ko. Umirap lang sila at umupo sa tabi ko.

Nasa bahay kami ngayon, na pinagawa ni Khalie nung tatlong buwan pa. Mabilis na natapos kasi hindi naman medyo kalakihan ang bahay.

Kinurot ako ni Nathalia. "Sa susunod ka, marunong ka naman magtext man lang sa amin. Malanding ito, tapos malalaman na lang namin na buntis ka na at kasal ka na!" tinarayan niya ako.

Nagkunwari akong sumakit ang tiyan ko.

"A-aray..."

"AHHHH!! Tangina, tumawag kayo ng ambulansya."

"Gago, yung cellphone ko. Wait lang!"

Kita kong nagpanic silang lahat si Noshka ay pinaypayan pa ako gamit ang kamay niya. Wow, laki ng tulong.

May umbok na ang tiyan ko. Nasa ikalawang buwan ko na. Pangalawang beses na kami nagkikita ng mga kaibigan ko, pagkalabas ko kasi ng hospital hindi na ako masyado pinapalabas ni Khalie. Siya ang nag-alaga sa akin noong mga panahon na maselan ang pagbubuntis ko.

Kahit na maselan ang pagbubuntis ko, nagawa pa naming magpakasal ulit pero Grand Wedding na, kasama ang pamilya ko at ang mga kaibigan namin. Iyon ang unang beses na nakita ko ulit sila.

Humalakhak ako. Natigilan naman silang anim.

"Putangina, yung mga mukhaan niyo sarap picturan tapos gawing poster sa EDSA!" tumawa pa ako.

Nakita ko lahat sila ay umambang babatukan ako pero kumuha ako ng unan, pinantakip sa ulo ko.

"Kung hindi ka lang talaga buntis..." ani Jenny Lyn . "Huwag kang magbibiro ng ganoon, Heaven. Kahit harsh kami sayo, we care naman for you..."

Aww.

Hindi ko alam kung dahil ba sa buntis ako ay mabilis akong umiyak sa lahat ng bagay. Kaya nilapitan nila ako ng magsimula na akong humikbi.

"Hephep! Nakakasama sa bata ang pagiging emosyonal, Heaven!" pagpapaalala ni Denise sa akin. Lahat sila nakapalibot at pinapatahan ako.

"Ikaw ang bunso dito, kaya talagang mag-aalala kami sayo." hinaplos ni Gabriela ang buhok ko.

"Tahan na at baka maging totoo na malaglag ang bata dahil sa amin" ani Nathalia.

Masayang pumalakpak sa hangin si Noshka. "Ngayon buwan na pala ako manganganak, tapos sa susunod na mga buwan ikaw naman! Ang saya naman!" Tiningnan ko ang malaking tiyan ni Noshka.

"Pang-ilan niyo na nga ito ni Jack?"

"Pang-lima."

Hinawakan ko ang tiyan niya, sumama din ang iba. "Sana maging safe ang panganganak mo at lumaking malusog ang baby mo..." saad ko. Humawak din siya sa tiyan ko, lumipat naman ang iba doon.

"Ikaw din. Maging malakas at patatagin mo ang loob mo, lalo na unang beses mo pa lang magka-anak. Kami kasi nakailan na.." tumawa si Noshka.

"Excuse me, bitch!" singit ni Denise.

"Ay, may gurang pala dito. Hindi ko napansin." ani Nathalia.

"Gago ba kayo? Hindi nga buntis pero punit na din hymen ko!" Inirapan niya kami.

Laking-mata namin siya tiningnan.

"Weh? Seryoso? Kailan?"

"Matagal na. Nung una ay umiinom ako ng pills pe—"

Dominant Lover (Burning Touch Series 6) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon