CHAPTER 14

2.3K 56 3
                                    

C H A P T E R  14

KINALAS ko ang kamay ko ng nasa harap na kami ng kotse niya. Gulat siyang napatingin sa akin habang ako ay marahas na binuksan ang pintuan at pumasok sa loob.

I'm mad...and I don't know why. I don't like this feeling.

Nakita kong umikot na rin siya sa kabilang banda ng pintuan at pumasok na rin siya.

"Iuwi mo ako sa amin." madiin kong sabi. Diretso ang tingin ko pero nakita kong nakatingin si Khalie sa akin.

"Please, Gusto ko ng magpahinga."

"Alright..." saad niya. Pinaandar na rin niya ang makina at nagsimula ng magdrive. Nilihis ko ang tingin ko sa labas ng bintana at isinandal ang ulo ko dito pero parang sirang plaka na paulit-ulit ang sinabi ni Noshka.

"Kamusta na kayo ni Ysabelle?"

Fuck. Who is Ysabelle? Kilala ko ba siya? At tsaka bakit alam ni Noshka ang tungkol sa dalawa? Naguguluhan ako. Gusto kong manapak ng mukha.

My eyes narrowed down the streets...then suddenly I looked at Khalie who is seriously driving.

"H-hoy, hindi ito ang daan papunta sa bahay namin!"

"Sino ba kasing nagsabi na iuuwi kita sa inyo?" he replied.

My eyes widened. "Seriously? Sabi mo kanina, Okay... Khalie, hindi ako nagbibiro. Iuwi mo ako sa amin!" kinagat ko ang hintuturo ko dahil sa kaba.

I have this mannerism when I'm so nervous and I feel panicked.

Tiningnan niya ako ng saglit at itinuon muli ang tingin sa kalsada. "Heaven, I'm serious also. Gusto mong magpahinga di ba? Then, we will go to my hou—"

"No fucking way! No!" sigaw ko. Hinawakan ko ng mariin ang bag ko. Ano ba talaga ang kailangan niya sa akin? Hindi niya ba nahahalata na umiiwas ako? Na lumalayo ako sa kanya? Na ayoko na sa kanya? Na ayoko siyang lumalapit sa akin.

Dahil alam kong bibigay ako.

"Tsk. Don't worry wala akong gagawin na hindi mo magugustuhan Heaven. Gagamutin ko lang 'yang sugat mo at magpapahinga sa bahay ko. Bukas na kita ihahatid sa inyo..." then he looked at me. "Maaga. I know you have a job tomorrow. Please, don't be a hard-headed woman."

Hard-head woman huh? I just want to distance myself from you, jerk!

I give up. Wala rin naman patutunguhan kung patuloy ko lang siyang sasabihan na iuwi ako sa mismong bahay ko. Knowing him, siya yung matigas ang ulo at hindi ako. Padabog kong iginilid ang katawan ko paharap sa bintana.

Pagkadating namin sa tapat ng bahay niya. Hindi pa rin ako gumagalaw. Ayoko. Manigas siya diyan.

Narinig kong inalis niya ang seatbelt niya at ang pagbukas-sarado ng pintuan. Then I saw him, going infront of my door. Iniba ko ang pwesto ko at tinagilid ito sa kabila. I am now facing the driver's seat.

"Heaven, let's go..."

"Kunin mo na lang ang first-aid-kit. Ako ang maglilinis sa sugat ko. Hindi naman malaki o malala, for sure kaya ko naman. I don't need your help."

Natigilan ako sa huling salita na nasambit ko. Bigla kong naalala ang pangyayari kanina. He saved me. Iniligtas niya ako sa mga lalaking iyon. Kung wala ang tulong niya ay malamang sa malamang delikado ang buhay ko.

Feeling guilty? Oh no, Heaven.

Hindi ko na siya narinig magsalita pa. Umalis na siya? Napatili ako ng naramdaman ang katawan ko na umangat sa ere at naalis ang pwetan ko sa upuan.

Dominant Lover (Burning Touch Series 6) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon