Chapter One

15.3K 222 6
                                    

CHAPTER 1

MEET Macy. Beauty and brains ang 24-years old na dalaga bukod pa sa nagmula ito sa isang may-kayang pamilya. Communication Arts graduate siya from Ateneo and isang print ad model. She stands 5’5, maganda ang pangangatawan, makinis, maputi and lampas balikat ang kanyang makintab at tuwid na tuwid na buhok. She drives her own car- isang special edition ng Honda Civic and lives in Ayala Heights sa may Diliman.

Bunso siya sa tatlong magkakapatid, ang dalawang nauna ay pawang lalake at may mga pamilya na sa US. Siya na lamang ang naiwan sa Pilipinas kaya naman nakatira pa rin siya sa bahay ng parents niya. Besides, kahit naman may sarili na siyang condo unit sa may Timog Avenue, mas gusto pa rin niyang nakapisan sa bahay ng mommy at daddy niya. Of course, bukod sa mas nakakatipid siya at safe, siyempre buhay prinsesa siya dahil maraming nagsisilbi sa kanya.

Ang daddy ni Macy ay miyembro ng mga Justices sa Supreme Court samantalang ang kanyang mommy naman ay isang dating beauty queen turned businesswoman at may-ari ng isang malaking accessories line and kikay stuff for girls.

Kung tutuusin ay hindi niya kailangang maghanap ng trabaho dahil puwede naman siyang mag-take over sa business ng mommy niya or magtrabaho sa opisina ng daddy niya. Hindi rin naman siya nawawalan ng kita dahil lagi siyang nakukuha for print ad projects. In fact andaming nagsasabing mag-artista na lang siya kasi maganda siya at mas may ‘K’ kesa sa ibang nagpipilit maging ‘star.’

But she opted to take the road less traveled. Mas pinili niya ang challenge ng pakikipag-compete para sa trabaho.

Ang gusto kasi niya ay maging isang sikat na TV reporter sa isang higanteng network, kaya naman nasa harap siya ngayon ng isang panel para sa kanyang interview. Nakapasa kasi siya sa written exams na ibinigay ng network last week. Ang alam niya ay mahigit sa isang daan silang applicants na kumuha ng written test, thirty ang pumasa and sampu lamang ang mapipili para makapag-apprentice sa TV Station for 6 months- after which, dalawa lamang ang matitira para sa vacant positions. Ang isa ay magiging Field Reporter, ang isa naman ay magiging Weather Reporter.

Ayokong maging isang weather reporter! Yun agad ang nasa isip niya bago siya nagtungo sa kanyang panel interview. Ang mind-set niya ay ang maging field reporter.

Hindi naman sa minamata niya ang isang weather reporter- pero kasi hindi naman siya interesado sa panahon- at ang tanging weather na gusto niya ay yaong tuwing summer.

How well can you handle pressure?” narinig niyang tanong ng isang guwapong miyembro ng panel. Of course kilala niya ang lalake dahil isa iyun sa mga senior reporters na sikat sa TV- si Rafa Menez.

Kung ordinaryong babae lang siya na hindi sanay sa ganung sitwasyon at may inferiority complex pa, baka hindi na siya nakapagsalita. Masyadong overwhelming ang presence ni Rafa!

I can say that I have grace under pressure. I don’t panic, I don’t lose my temper. Pressure brings out the best in me- after all, pressure is my middle name.” Isang matamis na ngiti ang ibinigay niya sa nagtanong- patunay na may self-confidence siya.

Pero tila may hindi natuwa sa sagot niya dahil agad na nagsalita ang isang babae- na ayun sa pagkakaalam ni Macy- ay siyang head ng News Department.

“Para kang aplicante sa isang beauty contest- are you sure you want to be a reporter? News and Public Affairs ito hija, hindi health and beauty ha?” Mataray ang tono nito.

I am more than sure that I want to be a field reporter ma’am. I have a degree in Communication Arts, I am socially aware, I am a volunteer in a foundation for kids and abused women. I believe that I have the brains and the guts to be in this field, and my beauty is just a bonus.” Ni hindi siya kumurap.

This time, si Rafa Menez naman ang napangiti sa sinabi niya. Nagtaas lang ng kilay ang Head ng News Department. Sa loob-loob ni Macy, bakit siya magpapa-sweet, e hindi naman Christmas show ang sasalihan niya? Kelangan ngayon palang, e makita na ng mga nag-i-interview sa kanya na kaya niyang sumagot ng mga tanong.

Ilang katanungan pa ang ibinato sa kanya ng mga members ng panel at feeling ng dalaga ay maayos naman lahat ng sagot niya. She did her best. Hihintayin na lang niya ang resulta.

Paglabas niya ng conference room kung saan ginanap ang interview ay isang lalakeng nagmamadali ang nakabanggaan niya.

“Hey!” muntik siyang matumba sa lakas ng impact ng banggaan.



”Ooppss!” Hinawakan siya ng lalake sa may braso at maingat na ini-steady. “Sorry,” anito, saka mabilis na pumasok sa conference room.

Antipatiko, naisip ni Macy na nilingon pa ang nakabanggaan. Sayang, mukhang guwapo pa naman pero walang finesse.

Dumirecho ang dalaga sa parking lot at pagkapasok sa loob ng kotse ay agad na kinuha ang kanyang cellphone at tumawag sa isang salon and spa para magpa-book ng appointment. Masyado siyang na-stress ngayong araw. She needs to relax!

Reporting For LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon