CHAPTER 2
MEET Yam Divina. Journalism graduate of UP Diliman. 26 years old. Height, 5’10. Moreno at charming- over ang sex appeal and dangerously handsome- as described by women from all walks of life. He could easily pass for a model dahil maganda ang katawan bukod sa pagiging guwapo- pero mas pinili niya ang pagsusulat at mundo ng pamamahayag. Hindi na mabilang ang mga indecent proposals na natanggap niya, pati ang mga lihim at hayagang lumuha dahil pawang bigo na makuha siya. Hard to get kasi si Yam- hindi basta-bastang natutukso, palibhasa ay nakatatak na sa puso ang ambisyon at ang mga gustong marating sa buhay- sa malinis na paraan.
Panganay siya sa apat na magkakapatid. Janitor sa simbahan ang kanyang ama at naglalako naman ng mga kakanin ang kanyang ina sa probinsya. Bagama’t hindi sila mayaman ay naitawid ang kanilang pamumuhay sa tulong na rin ng simbahan. Lahat silang magkakapatid ay nakapag-aral ng libre noong elementarya kaya’t kahit papano ay nakapag-ipon ang kanilang magulang. Dahil likas na matalino ay nakakuha siya ng scholarship sa Philippine Science Highschool. Ang kanyang allowance ay hinahati niya para maipadala sa kanila at nang magcollege ay scholarship pa rin ang ginamit niya sa UP Diliman.
Cum Laude si Yam nang mag-graduate sa college at agad na nakapasok sa isa sa mga leading newspapers ng bansa.
Bilang staff writer ay sumasahod na siya ng maayos with benefits kaya inako na niya ang pag-aaral ng pangatlo at bunso niyang kapatid. Graduate na rin naman ang sumunod sa kanya, pero vocational course at maliit lang ang sahod kaya it follows na mas mabigat ang responsibilidad niya.
Kaya naman ni minsan ay hindi siya nagcommit sa isang relationship o di kaya ay inisip na mag-asawa na kahit nasa hustong gulang na. Feeling kasi niya ay hindi pa siya professionally secure at financially stable- hindi siya kontentong nagsusulat lang. At pakiramdam niya ay marami pa siyang kelangang maabot sa buhay.
Isa sa gusto niya ay maging isang TV Reporter, and hopefully later on ay maging isang sikat na news anchor.
“Malay mo matanggap ako sa CNN, di ba? Wala namang masamang mangarap,” wika niya minsan kay Trudy nang mag-dinner sila sa may Tomas Morato.
Si Trudy ang kanyang best friend since Philippine Science High School days. Hindi naman pangit ang babae pero plain-looking ito. Hindi palaayos, hindi nagmi-make up at baduy manamit. But what she lacked in her physical appearance, binawi naman niya sa talino. Graduate ng Molecular Biology sa UP si Trudy at maganda ang posisyon sa isang research company sa Singapore. Every two months ay may libreng weekend trip ito sa Pilipinas, at iyun ang mga pagkakataong nagkikita sila.
“Wala namang kumukontra sayo, bakit sa akin mo pa sinasabi yan?” natatawang sagot ni Trudy sa sinabi niya.
“Nasabi ko lang. Well, actually, naiinis ako sa office kasi parang sinasabi nila na maganda na daw ang posisyon ko at eventually ay magiging assistant editor na ako. Bakit daw magre-resign pa ako para pumasok sa TV Network.”
“So affected ka, ganun?” Nakatingin sa kanya ang babae, as if challenging him. “Don’t tell me, makikinig ka sa kanila at kakalimutan mo na lang ang pangarap mo?”
BINABASA MO ANG
Reporting For Love
ChickLitThis book is published by BOOKWARE Publishing Corporation and posted with permission. I wrote this under my real name. If you want to get the physical copy (printed version) of this book, please go to www.bookwarepublishing.com Unit 301, 3rd Floor...