CHAPTER 9
HINDI mapakali si Macy sa loob ng kuwarto. Kanina pa siya nakahiga at nakikinig lamang sa malakas na buhos ng ulan at hagupit ng hangin.
Asan siya? Hindi pa rin bumabalik si Yam simula nang lumabas. At naiinis pa rin ang dalaga dahil sa ginawa ng lalake sa kanya. Hindi sa nabastos siya, kundi nabitin!
Hindi rin maintindihan ng dalaga kung bakit mas kinikilig siya kay Yam kesa sa sariling nobyo. Ilang beses na siyang nahalikan ni Gilbert pero tila nabura lahat iyun ng halik ni Yam.
I am such a shameless bitch. Hindi nakatiis si Macy. Tumayo siya at isinuot ang jacket, saka lumabas ng kuwarto. Tutal, nasisiraan na yata siya- lubus-lubusin na niya!
Nadaanan niyang himbing na himbing sa may sofa sina Gener at Roger. Ingat na ingat naman ang dalaga na huwag maglikha ng ingay, dahil kapag nakita siya ng driver nila na lumabas, tiyak na susundan siya.
Agad niyang naispatan si Yam na nakaupo sa may labas ng pinto ng opisina ni Mayor, may kausap na ilang kalalakihan. May hawak itong tasa na sa tantiya ng dalaga ay kape ang laman.
Wala yata talagang balak matulog ito, agad niyang naisip.
Napatingin sa kanya si Yam. Tumango ang lalake, saka nagpaalam muna sa mga kausap. Malakas pa rin ang buhos ng ulan sa labas.
“Bakit gising ka pa?” Lumapit sa kanya si Yam at kaswal na umakbay.
“Hindi ako makatulog. Ikaw, bakit andito ka pa? Wala kang balak magpahinga?”
“Hindi kasi ako mapakali. Nagmo-monitor din ako ng news sa radyo.”
“Hanggang kelan daw ang bagyo?” It was the least of her concern that time. Kung puwede nga lang ilang araw pa tumagal para andun lang sila ni Yam, malayo sa Maynila.
“Hopefully mamayang alas-sais ay makaalis na patungong China Sea ang bagyo.”
Three hours away from now. Pagkatapos ay babalik na sila sa kani-kanilang buhay.
“Tumawag nga pala si Sir Enchong, nagtatanong kung kumusta tayo dito.” Isa sa mga respetadong anchorman ang tinutukoy ni Yam.
“Anong sabi mo?”
“Sabi ko nag-e-enjoy tayo rito,” sinundan ni Yam yun ng mahinang tawa.
“Sira! Sino ba naman ang mag-e-enjoy sa bagyo?” natatawa na rin siya.
“Ako siguro.”
“Ang weird mo! Bakit ka naman mag-e-enjoy sa bagyo e halos bumabaha na nga daw sa daan e. Kahit yung highway mataas ang tubig.”
![](https://img.wattpad.com/cover/27854066-288-k738378.jpg)
BINABASA MO ANG
Reporting For Love
Chick-LitThis book is published by BOOKWARE Publishing Corporation and posted with permission. I wrote this under my real name. If you want to get the physical copy (printed version) of this book, please go to www.bookwarepublishing.com Unit 301, 3rd Floor...