Chapter Four

4.5K 118 3
                                    

CHAPTER FOUR

“FINANCE beat?” Hindi makapaniwala si Macy nang makita ang assignment niya from the news room. “Anong iko-cover ko, ang pagtaas at pagbaba ng pera?”

“Buti ka nga sa finance beat. Sosyal daw dun, catered ang lunch at may merienda pa ang mga reporters. Ako sa traffic napunta!” ani Beth. “Most likely ay mga MMDA ang magiging barkada ko nito!” natatawang wika ng babae.

“Police beat agad ang ibinigay sa akin.” Nakangiti si Melissa. “Exciting!”

“Buti ka pa police beat. Sa akin, mga balitang schools at simbahan,” angal ni Zander.

Noong una ay hindi rin maintindihan ni Macy kung bakit gustong maging TV Reporter ng lalake. Obvious din kasing mayaman si Zander- FORD ang pick-up na dinadala nito kapag pumupunta sa TV network. Nakakasabay minsan ng dalaga ang lalake sa parking lot. Pero nang malaman niyang governor ang ama ni Zander, somehow ay alam niya kung bakit gusto ng lalake na nasa media- protection para sa amang pulitiko. And most likely ay papasok din sa pulitika si Zander balang-araw.

“Saan mo ba gustong ma-assign?” tanong ni Beth sa kanya.

“I was hoping for the justice beat.”

“Kay Yam daw napunta yun,” sabad ni Richard. Sa Defense beat naman ito napunta- na magco-cover sa ibang news sa military circle.

“Sana ako nalang ang in-assign dun.”

“Dahil andun ang daddy mo? Hindi ka naman matututo kapag ganun,” komento ni Melissa.

Tumahimik na lang si Macy para hindi na humaba ang diskusyon. Pero sa loob-loob niya, inis na naman ang nararamdaman niya kay Yam kahit alam niyang wala namang kasalanan sa kanya ang lalake.

Sa kanya napunta ang gusto kong beat- that’s enough for me to hate him.

“O, kumusta naman ang mga nakuha niyong beats?” tanong ni Yam nang lumapit sa kanila. May ngiti ito para sa lahat pero nang mapatingin sa kanya ay inirapan niya ito, sabay punta sa CR.

“Napano yun?” narinig ni Macy na tanong ni Yam sa mga kasama nila.

“Hindi nagustuhan ang beat na napunta sa kanya,” narinig din niyang sagot ni Beth.

Alam ni Macy na siya ang pag-uusapan ng mga kasama pero wala siyang pakialam. She has other things in her mind. Katulad na lamang kung papano siya magsu-survive sa finance beat at makalipat na sa justice beat.

HANGGANG sa dinner niya with Gilbert ay dala-dala ng dalaga ang inis sa kasama.

“E di ba hindi naman talaga kayo makakapili ng assignments? Ang alam ko kung ano ang ibibigay ng news desk, yun ang pupuntahan niyo?”

Reporting For LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon