CHAPTER FIVE
ILANG araw nang naka-assign sa police beat si Macy. Her shift would start at 8pm at umaga na siya nakakauwi sa kanila. Actually ay ilan ang reporters na naka-assign sa pang-gabi pero dalawa lang sila ni Yam na trainees. Hindi naman buddy system ang patakaran nila kaya kanya-kanya silang hagilap ng news. Dalawa ang cameraman na naka-assign sa kanila pero laging iisa ang natitirang network car. At dahil may kotse naman siya, nagre-reimburse nalang siya ng gas the next day.
“Hassle na talaga kapag ako na nga ang reporter, ako pa ang driver!” angal niya sa daddy niya. Naabutan niya itong nagbi-breakfast sa kanila.
Alas-siyete ito umaalis ng bahay kaya nakasabay pa niya ito para kumain.
“Hindi ka ba puwedeng mag-request ng driver sa network?”
“Daddy, trainee pa lang ako. And we’re all vying for the two vacant slots. Ilan kami dun. Baka sabihin ang arte ko naman.” Ang alam niya ay kanya-kanyang diskarte ang ginagawa ng mga kasamahan para maka-survive sa mga assignments.
“O, e di magtiis ka. Pinili mo yan e. Ganyan talaga. If you want to succeed, you have to sacrifice.”
“Kung nahihirapan ka, you can always quit hija, and join me in the company,” sabad ng mommy niyang may bitbit na sliced mangoes para sa daddy niya.
Kung minsan ay naiinggit siya sa parents niya. After all these years ay sweet pa rin ang dalawa at maalaga pa rin ang mommy niya sa daddy niya.
Maging ganyan din kaya kami ni Gilbert? Hindi niya napigilang tanong sa sarili. Saka niya naalalang hindi pa pala niya nasasabi sa parents niya ang ginawang proposal ng lalake.
“Hindi ako quitter ma. Patutunayan ko sa inyo na sa TV talaga ang mundo ko,” wika niya, deliberately pushing Gilbert’s proposal out of her mind.
Saka ko na lang sasabihin.
“I know na hindi ka quitter anak. I just want you to remember na hindi mo kinakailangang i-risk ang safety mo or ang health mo para lang sa trabaho. May sarili tayong kumpanya na puwede mong patakbuhin.”
“Alam ko po. It’s just that… eto talaga ang gusto ko.”
“Well, don’t say we didn’t warn you,” ani ng ama niya, bago tumayo para maghanda nang umalis.
Naiwan sa mesa si Macy dahil katitimpla lang niya ng kape. Nasa may pinto na ng dinning room ang daddy niya patawid ng sala nang matigilan ito. Lumingon saka parang may naalala.
“Kasama mo ba si Yam Divina sa trabaho?” tanong nito sa kanya.
Natigilan si Macy nang marinig ang pangalan ng lalake. Bakit siya tinatanong ng daddy niya tungkol kay Yam?
“Yeah. He’s one of the trainees too.”
“I hope he makes it. Mabait na bata saka matalino. I like him.”
BINABASA MO ANG
Reporting For Love
ChickLitThis book is published by BOOKWARE Publishing Corporation and posted with permission. I wrote this under my real name. If you want to get the physical copy (printed version) of this book, please go to www.bookwarepublishing.com Unit 301, 3rd Floor...