Chapter Eight

4.4K 122 4
                                    

CHAPTER EIGHT

ISANG malaking rally ng mga manggagawa sa Tarlac ang ibinigay na assignment kay Macy. Wala naman siyang angal doon. In fact, excited pa nga siyang nag-ayos ng mga gamit at nanghiram ng Land Cruiser sa daddy niya para mas kumportable siyang makabiyahe. Pinadalhan pa siya ng driver ng ama para may makasama.

Maaga niyang dinaanan sa station ang kanyang cameraman na si Roger. Bago mag-alas otso ay nasa Tarlac na sila. Hindi naman naging marahas ang rally kahit maraming sama ng loob ang inilabas ng mga manggagawa. Madami siyang na-interview kaya't naging madali ang pagkalap niya ng mga impormasyon. Sa tantiya ng dalaga ay matatapos siya after lunch, or 3pm na ang latest.

Bandang ala-una ng hapon nang bumuhos ang malakas na ulan. Mabuti nga at natapos na niya ang kanyang report. Ang problema, alas-dos na ay hindi pa rin ito tumitigil.

“May bagyo yata,” wika ng driver nilang si Gener. Matanda lang ito ng ilang taon sa kanya pero matagal na sa kanilang pamilya.

“Biglaan naman yata.” Ang alam ng dalaga ay kinabukasan pa ang bagyo. Lagi naman kasi siyang naka-monitor sa radio news ng kanilang istasyon.

“Iba na rin kasi ang panahon ngayon, undpredictable na,” sabad ni Roger.

“Tumawag na nga po ang mommy ninyo, nagtatanong kung nasaan na po tayo,” si Gener uli.

“Anong sabi mo?”

Kung minsan, feeling ni Macy ay overprotective ang parents niya. Pero there are times na natutuwa din siya. Tulad ngayon- pinadalhan pa siya ng driver. At least may kasama siya sa biyahe bukod sa kanyang cameraman.

“Sabi ko lang po nasa Tarlac pa tayo.”

“Boss, mukhang pati bagyo iko-coverage natin ah,” wika uli ni Roger. Bahagya itong natatawa habang nakatingin sa bumubuhos na ulan.

“Pero ang sabi sa akin, bumalik na daw ako sa Maynila. Kakatext lang sa akin ng taga-newsroom.”

“Puwede naman yata tayong bumiyahe, di ba?” tanong ng cameraman niya kay Gener. “Malaki naman ang Land Cruiser eh.”

“Depende na kay ma’am yun.”

Nag-isip si Macy. Kung may bagyo nga, baka bumaha pa sa Tarlac at tuluyan siyang ma-stranded. Mas mabuti nang makauwi siya ng Maynila.

“Kaya mo naman di ba?” tanong niya kay Gener. “Masyado bang madulas?”

“Kaya yan ma’am, para ulan lang eh. Hindi pa naman masyadong malakas ang hangin.”

“Eh di tumawid muna tayo sa Pampanga. Andun ang tropa nina Boss Yam. At least kung ma-stranded tayo dun, may mga kasama tayo di ba.”

Reporting For LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon