CHAPTER SEVEN
PAANO ba siya makakaiwas kay Yam? Buong araw na siyang nag-iisip ng paraan para huwag mag-krus ang landas nila ng lalake, kahit alam niyang mahirap. Dahil papano niya gagawin yun, gayung kahit may mga iba’t ibang assignments sila at shifts, may regular gathering sila sa TV network at least twice a week- isa para sa evaluation, isa para sa kanilang weekly beat assignment.
Kaya wala talagang choice ang dalaga the next day. Sa ayaw at sa gusto niya, alam niyang magkikita sila ni Yam.
Pagpasok pa lang niya sa lobby ay nakita na niya ang isang babaeng naka-jeans, tshirt, rubber shoes at dark blue hooded jacket. Nauna ito sa kanya ng ilang hakbang. Huminto pa kasi siya sa may reception para batiin ang naka-duty doon bago dumiretso sa may news and public affairs wing. Pagpasok niya ay pinapaupo na ni Beth sa may couch ang babae. Sumenyas siya kay Beth, nagtatanong kung sino yun.
“Siya daw si Trudy,” bulong sa kanya ni Beth nang makalapit. Hinila siya nito papasok sa mga cubicle.
“Sinong Trudy?” The name sounds familiar. Parang narinig na niya, hindi lang niya maalala.
“Ano daw siya ni Yam… friend.”
“Ni Yam?” Sinilip ni Macy ang kinauupuan ng babae. Eto ba ang girlfriend ni Yam? Hindi makapaniwala ang dalaga.
“Oo. Yan yata yung kinukuwento niya sa amin dati na very special daw sa kanya, isa daw sa mga importanteng babae sa buhay niya bukod sa nanay niya.”
The girl was plain-looking. Mas maganda pa yata ang maid nila sa bahay.
Anong nagustuhan sa kanya ni Yam? Gustong lapitan ni Macy ang babae at yugyugin, baka sakaling lumitaw ang tunay na anyo.
Di kaya engkantada ito? Paano niya napaibig si Yam? Talagang hindi niya matanggap na ang isang tulad ni Trudy ang girlfriend ni Yam. Si Yam na maganda ang pangangatawan, makinis ang kutis kahit Moreno, matalino, dedicated sa trabaho, maalaga sa pamilya. Si Yam na kapag ngumiti ay parang Christmas lights ang mga mata dahil kumikislap. Si Yam na muntik na niyang akitin noong isang gabi. Si Yam na hinalikan siya. Si Yam na crush ng lahat.
It was simply unfair!
Macy’s mind refused to believe it. Feeling niya hindi totoo ang lahat. Malamang na mali ang narinig niya nung magkasama sila ni Yam sa apartment nito. And most probably, iba rin ang narinig ni Beth about this girl. Hindi puwedeng ito ang girlfriend ni Yam.
Sana ako na lang!
Mayamaya pa ay nakita niyang dumating si Yam at agad na nagliwanag ang mukha nang makita ang babae. Agad nitong niyakap ang bisita. Mahigpit din ang yakap ng babae kay Yam. Then he kissed her on the forehead- a sign of respect and love. Parang biglang napunit ang puso ni Macy sa nasaksihang eksena!
“Ay ang sweet!” bulalas ni Beth sa tabi niya.
BINABASA MO ANG
Reporting For Love
ChickLitThis book is published by BOOKWARE Publishing Corporation and posted with permission. I wrote this under my real name. If you want to get the physical copy (printed version) of this book, please go to www.bookwarepublishing.com Unit 301, 3rd Floor...