CHAPTER SIX
SA BILIS ng oras at mga araw, hindi namalayan nina Macy na three months na rin pala silang under sa training program. Very close ang batch nila, lalo na ang grupo nila nina Beth, Melissa, Richard, Fritz, Zander- and of course, kasama si Yam. Kabiruan na rin naman niya ang lahat, except kay Yam. When it comes to him, hindi pa rin palagay ang loob niya. Ganun din naman ang nararamdaman niya kay Yam- ilang din ito sa kanya at laging pormal. Hanggang ngiti at tango lang ang ibinibigay nito sa kanya, ni hindi sila nag-uusap talaga.
Samantala ay naririnig niya mula sa mga kuwento nina Beth na close sa kanila ang lalake. Marami na rin naman siyang nalalamang second-hand info tungkol kay Yam, but never siyang nagtanong ng direkta sa lalake.
Alam niyang may mga kapatid itong pinapag-aral sa probinsiya, galing ng UP at isang journalist. Ayaw man niyang aminin pero deep inside, alam niyang malaki ang chance ni Yam na makuha ang posisyon dahil seryoso ito at mukhang determinado. Sanay mag-sakripisyo.
“UY, summer na. Sana naman mag-outing ang batch natin. Kahit overnight lang sa Batangas,” ani Melissa. “May rest house kami dun.”
Sabado ng gabi at nagkataong sabay ang off nilang pito kinabukasan kaya after ng shift nila ay nagkasundo silang magkita-kita sa isang bar sa may Timog.
“Puwede rin sa Pagudpod Beach. May bahay talaga kami doon,” suggestion naman ni Zander.
“Puro kayo beach. Eto nga, himala nang nabigyan tayo ng sabay-sabay na day off. Sana ngayon tayo pumunta di ba?” angal ni Beth.
“Magagawa lang natin ang outing na yan after six months.” Si Fritz ang nagsalita, saka uminom muna ng San Mig Light. “By then, dalawa lang ang makukuha for the two vacant positions. Sino kaya sa atin ang matitira?”
Nagkatinginan silang lahat- si Melissa ang unang nagsalita.
“Well, lahat naman tayo, deserving. So cheers!” itinaas nito ang hawak na bote.
Umorder pa sila ng ilang rounds ng drinks. Bandang ala-una nang magsimulang mag-alisan ang bawat isa, lahat gustong makapagpahinga at sulitin ang kanilang off.
Si Richard ang unang umalis, sumabay na sa kanya sina Fritz at Melissa. Nakisabay naman si Beth kay Zander dahil pareho silang taga-Pasig. Naiwan sina Yam at Macy. It was an awkward moment.
“Are you sure kaya mong umuwi?” tanong ni Yam sa dalaga. Nakatayo sila sa labas ng bar. Ilang metro mula sa kinatatayuan nila naka-park ang kotse ni Macy.
“Sanay akong umuwing mag-isa.” Macy didn’t mean to sound rude, pero dala na rin siguro ng nainom na alak kaya’t may diin ang pananalita niya.
“Just asking.” Ngumiti si Yam, saka humakbang palayo sa kanya.
Nagtungo na rin sa sasakyan ang dalaga. Nang mapaandar ang sasakyan ay napatingin siya sa direksyon ni Yam. Naroroon pa rin ang lalake, nag-aabang ng taxi.
BINABASA MO ANG
Reporting For Love
Literatura FemininaThis book is published by BOOKWARE Publishing Corporation and posted with permission. I wrote this under my real name. If you want to get the physical copy (printed version) of this book, please go to www.bookwarepublishing.com Unit 301, 3rd Floor...