CHAPTER 3
“HOW was the orientation?” nakangiting tanong ni Gilbert nang dumating siya.
Humalik muna sa pisngi ng boyfriend si Macy bago umupo sa tapat nito, saka kinuha ang menu.
“Okay naman. The rules are bearable but the schedules are insane,” wala sa loob na komento ng dalaga habang pumipili ng order. She opted for macaroni salad and roasted chicken.
“Ilang beses ko nang sinabi sa’yo, mahirap ang buhay ng isang TV reporter. Ngayon pa nga lang, nagrereklamo ka na sa schedule. How much more kapag pinadala ka na sa remote and dangerous areas to cover the news.”
“Saka hindi talaga para sa mga babae ang field. I mean, mas mabuting lalake ang nasa field kesa sa mga babae kasi madaming security threats.” Nasa mga mata ng lalake ang genuine concern kaya hindi magawa ng dalaga na magalit rito.
“GB, pag-uusapan na naman ba natin to?” Inabot ni Macy ang kamay ng boyfriend na nakapatong sa mesa saka pinisil. Kelangan talaga nilalambing niya ang lalake para huwag na itong magreklamo.
“I have nothing against the schedule, I was simply saying that the shifts are crazy. Like starting Monday, 6am to 3pm ang duty ko. That would mean waking up at 3am to prepare everything then leave the house by 5am.”
“Kita mo yan, wala ka nang oras sa akin niyan.”
“We can have an early dinner everyday if you want.” Pero sa loob-loob ni Macy, may lakas pa kaya siyang makipag-socialize kapag naging hectic talaga ang trabaho niya?
Pero wala siyang magagawa. Kung kinakailangan niyang isakripisyo muna ang regular dates nila ni Gilbert para lang makuha niya ang trabahong gusto niya, siguro naman maiintindihan siya ng boyfriend niya? Mahal siya ng lalake kaya positive siyang susuportahan siya nito.
“Ayoko lang kasing mahirapan ka.” Pinisil muna ni Gilbert ang kamay niya bago hinalikan. “Alam mo namang mahal na mahal kita.”
Kinilig naman si Macy sa ginawa ng boyfriend niya. Ano pa ba ang hahanapin niya dito? Guwapo, may stable job, galing sa mabuting angkan at mahal siya. Naalala pa niya kung pano sila nagkakilala nito.
LAST year ay kinuha siyang print ad model ng isang sikat na international pharmaceutical company para sa isang brand ng Vitamin C nito. During the photo shoot ay dumating ang ilang executives and brand managers ng kumpanya, kabilang si Gilbert. Charming ang lalake at magiliw sa lahat. The girls wanted all his attention but it was obvious na sa kanya ito na-attract. Nilapitan siya ng lalake at kinausap, at tila nagpa-impress pa dahil nagpa-deliver ito ng dagdag na pagkain para sa lahat from an expensive restaurant. Lalong kinilig ang mga girls, pero si Macy ay nanatiling cool.
Pero hindi siya tinantanan ng lalake at bago natapos ang photo shoot ay nalaman na nito ang number niya. The next day ay isang dosenang roses ang natanggap niya. Sinundan pa iyun ng mga chocolates, fruits at kung anu-ano pa. Kahit sinabi na niya kay Gilbert na huwag mag-abala, hindi tumigil ang lalake.
BINABASA MO ANG
Reporting For Love
ChickLitThis book is published by BOOKWARE Publishing Corporation and posted with permission. I wrote this under my real name. If you want to get the physical copy (printed version) of this book, please go to www.bookwarepublishing.com Unit 301, 3rd Floor...