Chapter 2

12 2 0
                                    

Chapter Two

“Oh! Buti naman at nakarating ka.” Salubong sakanya ni Tina.

Ngumiti lamang ito at nagdiretso sa opisina nito.

“Teka nga, bakit namumugto yang mata mo ha?” sumunod pala ang kaibigan niya dito. Hindi niya napansin sa sobrang kalutangan.

Napatingin siya sa kaibigan dahil sa tanong. “Tina, okay lang ako.”

Nakita niyang sinara ng kaibigan ang pintuan. Sesermunan na naman siya  nito panigurado.

“Okay? Wow, yan nap ala ang okay ngayon. Gusto ko ganyan din itsura ko.”

Napairap na lamang si Jo sa sinabi ng kaibigan. “Joanna, ano? Dahil na naman bay an sa asawa mo?!”

“Tina, wag—“

“Ano?! Wag na naman nating pag-usapan? Aba! Ilang weeks ko nay an narinig! Girl, hinayaan kita. Oo, hindi kita pinakeelaman dahil naiintindihan kita pero ngayon?! Hindi ko na papalampasin tong araw nato! Ngayon ko lang nakitang magang maga yang mata mo! Parang kinagat ka ng sampung ipis! Ano na ha?! Gano ka nab a kamiserable ngayon?”

Napatakip na lang siya sakanyang mga mata. “Iiyak ka na naman?” di niya na napigilan ang luha niya. Naramdaman niyang hinahagod ng kaibigan niya ang likod niya. “Jo, ilang years nab a tayong magkaibigan? In sickness and in health ako ang nandito lagi para sayo. Pwede mong sabihin sakin lahat lahat. Makikinig ako.”

Kinwento niya sa kaibigan ang nangyari kagabi.

“Jo, ewan ko ha. Isa lang ang gusto kong sabihin sayo.” Huminga ito ng malalim. “Makipaghiwalay ka na sa asawa mo.”

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Joanna sa narinig. Sunod sunod itong umiling. “Ayoko. H-hindi ko kaya Tin, Ayokong.. ayokong pati siya mawawala sakin.”

“Hush. Joanna, tahan na.”

Sobrang busy ni Joanna ngayong araw, ang dami niyang pinipirmahan na mga papeles ngayon. She needs to finish those things before she go home.

May pagmamay ari si Joanna Nicole Santiago – Castro, ng isang boutique.

She loves fashion and with her bestfriend, Tina.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 05, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One and OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon