Sa loob ng kwebang madilim, may nakatulog na isang babaeng nilalang.
"Anak..."
Minulat niya ang kanyang mga mata nang narinig niya ang malalim na boses ng isang matikas na lalake. Nagulat siya sa presensya ng kanyang ama.
"Ama, bakit po kayo naparito?" tinitigan niya ang ama niya na nilalaro ang mga poppy seeds na nakakalat sa kweba.
"Binibisita ko lang naman ang pinakamagandang anak ko" ngumiti siya sa anak.
Inirapan niya ang ama niya. "Ama, nakalimutan niyo po atang nag-iisa akong babae na anak niyo"
Tumawa ang ama niya. "Lapit ka, anak" tumayo siya at nilapitan ang kanyang ama, bigla siya niyakap nito. "I miss you, my beautiful daughter"
"I miss you too, Father. Saan po si Ina?" taka niyang tanong sa ama.
"Paparati---"
Naputol ang sasabihin niya nang biglang umusok ang paligid nila.
"Anak..." lumitaw ang isang magandang babae.
"Ina!" napatalon siya sa pananabik, lumapit agad siya sa kanyang ina at niyakap ito.
"Patawad anak, nahuli ako. Iyong mga kapatid mo kasi ay makukulit, kailangan ko silang sermonan"
Napatawa siya sa sinabi ng ina. "Kamusta na po pala yung tatlong mokong na iyon?"
"Nandoon ginagawa ang tungkulin nila, minsan lang ay pinaglalaruan nila ang panaginip ng mga mortal kaya kailangan ko silang pagsabihan. Ikaw anak? Kamusta ka na?"
Ngumiti siya sa ina. "Heto, maganda pa rin"
Tumawa sila. "Mana ka talaga sa akin, anak. Siya sige, aalis na kami. Bisitahin mo kami minsan sa Underworld"
"Opo. Paalam Ina at Ama"
"Paalam Morpheus"

BINABASA MO ANG
In The Arms Of Morpheus
Fantasi"Gusto ko lang matulog magdamag!" - babaeng may insomnia Book 1 - Morpheus Book 2 - Thanatos