CHAPTER 4
"TWO MILLION."
"What?!"
Tangina. Napakuyom ang kamao ko sa sinabi ng kaibigan kong si Sid Dela Vega. Scratch that, hindi ko pala siya kaibigan. Wala akong kaibigan manggagantso.
"That's the minimum income of my restaurant per day, Madrigal. In fact, I'm already doing you a favour. Or do you want to pay for the services of my staff and crews on top of that?"
"Hell no!" Napatayo ako.
Seriously? Pagbabayarin niya ako ng dalawang milyon para lang sa isang araw na renta ng buong restaurant niya?
"Marami namang branches sa Pilipinas ang restaurant mo, hindi ka naman malulugi kung babayaran kita ng isang daang libo," sabi ko.
"Pft! Ang kuripot mo, Madrigal. Putangina ka talaga!"
Sinamaan ko ng tingin si Micaller. Isa rin siya sa mga kaibigan ko. Nagkamali ba ako ng pinuntahang mga kaibigan? Dalawang milyon para sa renta ng restaurant kung saan ko idi-date si Safina?
"Two million is too much, Dela Vega! Isang araw lang naman. Tss."
I hissed. Ibig sabihin kapag every week kung yayayain si Safina na makipag-date ay makaka-eight million ako kada buwan.
"Tangina, kung hindi mo afford huwag ka na lang magyayang mag-date ng babae o 'di kaya i-date mo na lang siya sa Mang Inasal para unlimited rice, may chicken oil pa," suhestiyon ni Micaller. Binato ko siya ng cork. Sayang at nasalo niya.
Tinawanan nila akong lahat. Nandito kami ngayon sa Zero Degree bar, ang bar na itinayo naming apat, si Levi, Sid, at Theo.May tig-25% share kami sa kompanya. Actually, marami naman akong pera kaya lang alam ko naman na nilalamangan lang ako ng mga ulupong na 'to, kagaya ng ginawa namin kay Micaller noong nabaliw siya sa babae niya.
"Manahimik ka, Micaller, kung wala kang magandang sasabihin!" asik ko.
"Damn! I'm just suggesting. After all, ako naman ang pinakamatalino sa ating apat," aniya. Muntik ko na siyang duraan sa mukha. Napakayabang ng hayop.
"I thought dating is not your thing, Madrigal? Why the fck are you weeping off your balls now?"
Napatingin ako kay Theo nang bigla na lang itong sumabat sa usapan. Akala ko naman wala siyang pakialam dahil kanina pa siya nakatingin sa baba habang sumisimsim sa kanyang kopita. Anak ng kalbong palaka, hindi ko kaagad nasagot ang tanong niya.
Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ko niyaya si Safina ng date. Theo was right; dating is not really my thing. I never ever spent millions just for a girl! Sa tuwing pumupunta ako ng bar ay hindi ko na kailangang gumastos para sa babae, sila ang kusang lumalapit sa 'kin dahil nga bukod tangi akong pinagpala sa aming apat.
"I just saw Cupid last week, playing his bow," nang-aasar na singit ni Dela Vega. Tiningnan ko siya nang masama.
"Teka, huwag mong sabihin in love ka na, Madrigal? Pft!" Si Levi. Inambahan ko siya ng suntok. Sabay na naman silang nagtawanan.
Damn it! Safina's face flashed my mind. Ano nga ba? Am I in love with her? This is the first time that I asked a girl for a date.
"Nakalimutan mo na ba ang sinabi mo noon? Love is just an idea. Kabaliwan n'yo lang 'yong tatlo," Theo looped what I just said before, giving me a mocking stare. Nagtawanan na naman sila.
"Perhaps, you've gone crazy as well, Madrigal. How's the feeling?" Sid added. Naikuyom ko ang aking kamao. Putangina, bakit parang tama sila? Naiinggit din ako kay Micaller dahil ikakasal na siya sa isang linggo. Aish!
BINABASA MO ANG
Hopelessly Devoted to You
RomanceZERO DEGREE SERIES 4: ELLIOT MADRIGAL Elliot Madrigal, a prominent pilot and business icon, and the fourth member of Zero Degree band has lost his faith in love since the world has taught him that it has never been fair. In his case, he had a fair s...