CHAPTER 34

36K 1.3K 192
                                    

CHAPTER 34

MY photos went viral online. Ang sabi ni Sophie ay marami agad na customers ang nag-email sa kanila at interesado silang magpagawa ng gowns. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako maaasar, dahil pakiramdam ko'y may nakatingin sa akin kahit saan ako magpunta. Hindi ako sanay. Pati ang mga empleyado sa shop ay nakiisyuso sa post ng mga bakla.

Inihatid ako nina Marga sa condo kinagabihan. Halos mag-a-alas otso na ng gabi kami nakatapos dahil nagpa-special segment pa ang tatlong bakla. Bukas ay babalik kami sa studio para sa video shoot. Ayaw ko na nga sanang pumayag kaya lang nasimulan ko na. Isa pa minsan lang naman humingi ng pabor sa akin ang mga bakla. Nakakahiya naman kung hindi ko sila pagbibigyan.

Bukas ay dadaan muna ako sa shop para mapirmahan ko iyong mga kailangan kong pirmahan lalo na 'yong mga vouchers saka ako tutulak sa studio kung saan gaganapin ang video shoot. Binilinan ko rin ang tatlong bakla na sa shop na lang ako sunduin.

I rolled on the top of my bed. Hindi mawaglit sa isip ko ang nangyari kaninang tanghali sa mall. Isang oras na lang at maghahatinggabi na ngunit hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. I wonder what he was thinking early this afternoon. At ano'ng ginagawa niya sa mall nang gano'ng oras? Kumain din ba siya roon o may kinita siyang kliyente?

The hardest part of realization is when you finally get to admit to yourself that you were wrong all this time. Buong akala ko'y wala na akong natitirang pagmamahal para sa kanya, iyon pala'y nakatago lamang iyon sa ilalim ng aking galit. The worst is— it even bloomed like a plant. Ikinahihiya ko ang aking sarili.

Napasabunot ako sa aking buhok. Kanina pa ako nakikipagtitigan sa kisame ngunit kahit napagod ako sa ginawa namin kanina'y tila gustong magmulat ng aking mga mata magdamag.

Ang mga mata nga ba o ang isip mo, Safina?

Agad na kinontra ng isang bahagi ng isip ko ang aking sarili. Pakiramdam ko'y mababaliw na ako sa kaiisip sa taong dapat ko nang kalimutan. I feel like I need to talk to him. Pero may dapat pa ba kaming pag-usapan? Pagkatapos niyang malaman ang lahat ay bigla na lamang siyang umalis nang walang lingun-lingon.

I think we need closure.

Ipinilig ko ang aking ulo. Hindi ko alam kung makakaya ko pa siyang harapin ulit at sabihin sa kanya ang lahat. Sometimes having no closure is a closure itself.

I tried closing my eyes but I was startled when my phone beeped. Agad ko iyong kinuha sa side-table ng kama.

Still up?

It was a message from Gavin. Gising pa rin pala siya kagaya ko. I replied to his message.

Unfortunately...

Wala pang isang minuto ay agad siyang tumawag. Hindi rin ako nagdalawang-isip na sagutin iyon.

"Oh? Ano't gising ka pa nang ganitong oras?" bungad ko sa kanya pagkasagot na pagkasagot ko.

"Are you seriously asking me that question, Safina?" pang-aasar niya. Inikutan ko siya ng aking mga mata kahit na hindi ko siya nakikita.

"Wala ako sa mood makipagbiruan, Gavin. Bakit ka ba napatawag sa dis oras ng gabi? Teka, lasing ka ba?"

Halata kasi sa boses niya na parang nakainom siya. Tumawa siya ngunit ramdam kong parang may mabigat siyang pinagdadaanan. I'm pretty sure it's about his ex, again. Bumuntonghininga siya.

"I have a son, Safina."

Nanlaki ang aking mga mata at biglang napabangon sa kama.

"What did you say?"

Hopelessly Devoted to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon